Chapter 29

62 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo 

"Good Morning, Ate Arisanna!" bati ng triplets sa akin nang sabay-sabay. Kadarating lang nila kasama si Ate Dia maging si Tita Celine na ina nila Kuya Quillion at Joaquin. 

Yumakap naman agad sa akin ang tatlo. We all became more close since they are always here in the cafe. May kasama namang kasambahay sila Ate Dia kaya kahit na tumutulong siya sa preparation area ay hindi naman ito nag-aalala sa kaniyang mga anak. Rose, Quartz, and Serenity is about to enter kindergarten, excited na nga ang mga ito habang kinukwento nila sa akin tuwing break at closing time.

"Kumusta ang therapy mo?" pangangamusta sa akin ng kambal na si Miguel at Uno.

"Ayos naman, kahit papaano gumagaan naman na ang pakiramdam ko." sagot ko. Even my memories are slowly doing it's job. Nabawasan na rin ang tiyansa na kailangan ko pang tumingin sa recipe book dahil hindi na madalas ang pagkawala ng mga memorya ko sa mga bagay-bagay.

"That's good to hear, we hope that your recovery will come faster so that you can finally do what you want and study again." sabi ni Uno sa akin, I smiled. 

Sa mga panahon na magkakasama kami rito, I learned how to open up and share some of my life experiences with them, they're like my family now, they even treat Kuya Han as one of us too.

Minsan nga ay hinahatid pa ako ni Uno sa clinic, may ilang beses din na sinasamahan pa ako nito mag-commute pauwi sa condominium na inuuwian namin ni Kuya Han. While Miguel, he always treat me with foods, noong nalaman niya nga na mahilig ako sa mga sanrio characters at mga cute na bagay, lagi ako nitong ginagawa ng sandwich na hawig sa characters na gusto ko. They all treat me so well, and I love the feeling of it.

"Ihatid na lang kita ulit mamaya." sabi ni Uno at inayos pa ang suot na salamin.

"Huy, ano iyan ha." pang-aasar ni Miguel, natawa na lang kami ni Uno sa kaniya. Uno and I are just friends, just like how I and Miguel are. 

Ilang sandali pa ang lumipas at dinumog na ulit ng mga tao ang Seventeenth Heaven. Halos mga estudyante mula sa Saint George at Laurent at madalas na pumupuno rito sa cafe. Bukod sa hindi naman kamahalan ang mga pagkain dito, puro snacks at sapat na pang-meryenda ang specialty ng cafe. Adding to the fact that the cafe consists of comfortable spaces and even seventeen songs playing around the cafe.

"One SOS meal, and two Campfire meal." sabi ni Uno at binigay na ulit ang sticky notes sa akin kung nasaan ang orders.

SOS meal consists of an overloaded cheese hotdog wrapped with bacon and a side dish of nachos with thinly sliced tomatoes and cucumbers plus a cheese sauce, and for the drink, it has a large cola with chocolate ice cream on top. On the other hand, Campfire meals have been selling so well the past few days, maybe because of how simple yet cute the presentation is. It's just a simple Hawaiian burger that is placed on top of fries that is shaped like a campfire and the cheese sauce from the burger drips like it's the fire of the woods slash fries at the bottom. The drink is just a simple Pepsi lemonade—a budget-friendly yet cute meal to debut on social media stories and posts. 

Nagtulungan kami nila Miguel, Tita Celine, at Ate Dia sa pag-gawa ng orders. Abalang-abala kami dahil dagsa talaga ang mga tao kahit kakabukas pa lang ng cafe nitong nakaraan, idagdag pa na hindi naman ito kalakihan pa, napilitan tuloy sila Kuya Quillion na mag-extend na agad kaya yung kabilang side ng cafe ay under renovation na. 

"Magugulat si Joaquin kapag nakita niya personally ang cafe niya." sabi ni Tita Celine habang nagtatrabaho kami.

"Opo, noong huling pagkikita namin parang kinakabahan pa po siya sa mangyayari sa Seventeenth Heaven." sagot ko naman.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon