Chapter 24

59 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Kirot at hapdi ang gumising sa akin, ang nagtulak sa akin para imulat ko ang aking mga mata, ngunit nakakapanibago, dahil nahihirapan akong imulat ang aking mga mata at tingnan ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta rito. Pinilit kong igalaw ang aking braso ngunit agad ko rin iyong pinagsisihan dahil sa hapdi at sakit na aking naramdaman.

"Miri...you're awake now." boses iyon ni Kuya Han. Hinahanap ko agad kung saan iyon nanggagaling, nang magtagpo ang aming mga mata, doon ko nakita na pulang-pula na ang mga mata nito.

"I badly want to hug you, but I don't want to hurt you. You're burned wounds are still fresh...I'm sorry, Mirielle. I arrived late..." sabi nito sa akin.

"Arrived late? When and why, Kuya Han?" tanong ko sa kaniya.

"What happened, Kuya?" dagdag ko pa. Litong-lito ako sa nangyayari. 

"If it's not for Ate Gina, baka mas malala pa ang lagay mo." sabi niya sa akin.

"What happened, Kuya Han? Bakit ako may mga sugat?" tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa akin at tila nagtataka.

"Miri...Are you okay?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako, kahit na medyo masakit ang mga sugat ko ay ayos naman ako, wala naman akong ibang nararamdaman.

"This is a lot better. You don't deserve to remember everything that happened. I'm so sorry, baby Miri. Kuya Han's sorry..." sabi niya sa akin at malakas na humihikbi. I shook my head lightly and caressed his hair to comfort him. No one's at fault in here...

"I'm sorry...I'm sorry..." paulit-ulit niyang usal habang lumuluha. My heart suddenly felt breaking into pieces, nasasaktan akong makitang nasasaktan ang Kuya Han ko. He don't deserve any of this pain, he's the best brother I can ever had.

"It's okay, Kuya Han. It's never your fault, hmmm?" sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng maliit na ngiti. He's still crying while staring at me, kitang-kita ko kung gaano niya ako gustong yakapin ngunit pinigilan lang niya ang sarili dahil sa dami ng benda na nakapalibot sa katawan ko.

"Thank you for being here with me..." sabi ko pa sa kaniya.

"Thank you for staying with me, Miri..." sabi niya sa akin, tumango ako sa kaniya at nginitian siya muli, umaasang maging sapat iyon para mapagaan ang kaniyang loob.

"Kuya Han, what happened to me? Bakit ako may mga sugat?" tanong ko sa kaniya.

"You can't remember?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "No, I don't remember anything." sagot ko sa kaniya.

"I-It was all an accident, Miri. Don't think about it too m-much..." sabi ni Kuya Han sa akin. Kahit na hindi ako gaanong kumbinsido sa kaniyang naging sagot, tumango na lamang ako at piniling huwag nang magtanong pa.

"Alam na ba ni Mommy?" tanong ko, nagtagis ang mga bagang niya at kumuyom ang dalawang kamay, tila nagpipigil ng galit.

"She don't deserve to know. Huwag mo na isipin ang taong iyon, Mirielle. Please. Do it for me." pakiusap niya sa akin. 

Kahit na nagtataka ay tumango na lang din ako ulit. Ang dami ko pa sanang gustong itanong kaya lang napapansin kong hindi pa handa si Kuya Han sa mga iyon. Mahapdi at nangangapal ang aking pakiramdam sa kanang pisngi ko, maging sa kabuuan ng aking kanang braso at binti. Hindi ko ito magalaw nang maayos dahil para akong tinutusok ng milyong-milyon na karayom sa tuwing gagalaw ako. 

Kahit na hindi ako komportable na nakahiga lang, wala naman akong magawa dahil pinagbabawalan din ako ni Kuya. Sobrang dami raw kasi ng aking sugat at dahil nga sariwa pa, kaunting maling galaw lang ay dumudugo ulit ito. According to Kuya Han, when I was boiling some water, a problem occured that's why I got this third-degree burn. 

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon