Chapter 5

67 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Pagkatapos naming kumain sa restaurant ay nagpahinga lang kami ng kaunti. I and Gael exchanged socials, para daw makausap niya rin ako kahit na hindi school hours. I agreed, masaya naman kasi talaga siyang kausap, plus he looks so interested everytime I am sharing some stories.

"What's the score between the two of you?" bilang tanong ni Caden. Napatingin tuloy kaming lahat sa kaniya, kunot noo sa biglaang tanong niya. 

"Kanino ba?" tanong ni Klyde at nalilito rin.

"Obviously, si Pres and this guy, Waylen." sabi ni Caden. Medyo seryoso ang kaniyang tono kaya hindi ko mapigilang kabahan nang kaunti.

"We're friends." sagot ko.

"I'm taking it slow, dude. I don't think there's a problem with that." sagot ni Gael. Napatingin ako sa kaniya, minsan hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya, lalo na kapag magkausap sila ni Caden, na puno palagi ng tensyon na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin.

"Huy, gutom pa ba kayo?" biglang singit ni Xantria. Thank heavens naisipan niyang magsalita, grabe yung tensyon sa tingin ng dalawang ito, parang mga bata na nag-aagawan sa isang box ng candy. May issue ba sila dati?

"Mauuna na kami ni kambal, may part time job pa kasi kami." sabi ni Klyde.

"Ihahatid ko na si, Mirielle." sabi ni Gael. Ilang beses na ba akong nagulat sa mga biglaan niyang kilos?

"Tara, sabay-sabay na tayong lumabas kung ganoon." sabi ni Andreu at tumayo na rin.

Gaya ng ginawa ni Gael kanina, siya rin ang nagdala ng aking bag. Hindi na rin ako umangal dahil mukhang seryoso rin siya, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may away ba sila ni Caden, mamaya mayroon pala at naging insensitive ako tapos pinagsama sila sa iisang lugar. 

Kahit na maraming bitbit, inaalalayan pa rin ako ni Gael, hanggang sa makasakay kami ulit sa minibus, thankfully may upuan na, pati sa pag-upo ay nakagabay siya. Babalik muna kami sa Ridgeview, dahil kukunin daw niya ang sasakyan niya roon. Gusto niya nga sana na gamitin iyon kanina, kaya lang hindi naman daw kasi iyon kalakihan at hindi masasabay ang iilang mga kasama namin. 

"Busy ka ba? Like, do you have any plans after this?" tanong niya sa akin habang naglalakad na papalapit sa kaniyang sasakyan.

"Wala naman, why?" tanong ko sa kaniya.

"Are you up for arcade date?" tanong niya. I blushed, a date?

"D-Date?" nauutal na tanong ko pa, naninigurado na tama ang aking narinig.

"Yes, Mirielle. A date, not the friendly one though." sagot niya. I almost felt my heart dropped because of his honesty. Yes po, opo, pumapayag po ako.

"S-Sure, Gael." sabi ko sa kaniya at namumulang napayuko. Hindi ko na kaya itong kilig na nararamdaman ko.

"Thank you." sabi niya sa akin.

"For what?" tanong ko naman. Habang nasa sasakyan kami ay nag-play lang siya ng mga kanta sa music player, surprisingly we are both listening to SUD.

"For agreeing to this date." sagot niya sa akin.

"It's not a big deal, Gael. Besides I also liked the idea of having a date with you." nakita kong napangiti siya't napakagat pa sa kaniyang mapulang labi.

"Teka, Miss. Kinikilig buong kalamnan ko." sabi niya kaya hindi ko maiwasang matawa.

"By the way, bumili pala ako ng isang strawberry milk plushie para sayo. Para kapag ihahatid kita may mahahawakan ka rito." sabi niya sa akin at may inabot sa likod ng kaniyang sasakyan. A cute pink strawberry milk carton designed plushie, what a cutie.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon