Chapter 27

58 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Kuya Han has been working all day and night while managing his last year as a college student. I really feel bad for him, hindi na kami nakakapag-kita dahil pagka-uwi niya mula sa school ay diretso na ito agad sa trabaho niya. Ang tanging nagagawa ko na lang para sa kaniya ay ang ipagluto, asikasuhin ang mga kailangan niya, minsan ako na rin ang gumagawa ng ilang school works niya dahil alam kong hindi na niya iyon kayang gawin pa pagkatapos magtrabaho. 

Kaya sinikap kong alisin na sa aking isip ang mga bagay na tapos na hindi na mababawi pa, pinipilit kong mas isipin ang kalagayan ko at si Kuya Han. I need to think about my future and of course my Kuya Han's. Kailangan kong gawin ito, kailangan kong tulungan ang sarili ko, para naman hindi masayang ang perang pinaghihirapan ni Kuya para lang maipagamot ako.

"Miri?" napatingin ako sa pintuan, nandoon si Kuya Han at tila pagod na pagod. Kaagad kong iniwan ang aking mga hinuhugasan na pinggan at nilapitan siya.

"Pahinga ka muna, Kuya. Kuhaan kita ng hot chocolate, sandali." sabi ko at kinuha sa kaniya ang bag niya tapos nilapag ito sa sofa. Naupo naman siya sa upuan at hinintay ako sa pag-gawa ng hot chocolate. 

Nagtimpla na rin ako ng para sa akin nang sa ganoon ay masabayan ko naman si Kuya. Naglabas rin ako ng biscuit para naman may makain si Kuya Han at pang-meryenda na rin.

"Uminom at kumain ka muna, Kuya Han." sabi ko at inabot na sa kaniya ang hot chocolate at biscuit. 

"Thank you, baby Miri." pasasalamat niya at ngumiti sa akin.

"Is there a problem, Kuya?" tanong ko sa kaniya.

He sighed. "I saw her, Miri." sabi ni Kuya Han sa akin. His voice is enough to be the evidence of how hurt he is right now.

"How was it, Kuya?" tanong ko sa kaniya. 

He looks so sad and in pain. I feel so bad, I know how tired he is, because of his endless responsibilities, and now he is also in pain. If I could just do something. 

"She looks so happy without me, Miri. It looks like her best version of herself is when she's not with me." sabi ni Kuya Han at napayuko.

"I'm sorry to hear that, Kuya." sabi ko sa kaniya at hinaplos ang kaniyang likuran. 

Kaya pala pagkapasok niya palang dito sa unit parang lugmok na lugmok siya. Well, I can't blame him. I know how much he admires Ate Cyerra, he's been sharing it with me while I'm on the journey of recovering. Iyon na lang ang pinanghahawakan niya, Ate Cyerra is his only hope aside from me as Kuya Han states, and I feel so sad for him because the person who is able to unlock his brightest side is now happier without him.

"Kasalanan ko rin naman kung bakit kami umabot sa ganito." sabi niya sa akin, nanginginig ang boses nito at tila pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.

"If I just thought about everything clearly, kung hindi siguro ako nagpadalos-dalos hindi kami maghihiwalay." dagdag niya pa.

"Kuya Han, I may not understand what's happening, but I hope you can see the beautiful side of the decision you've chosen. Hindi ba kapag mahal natin ang isang tao, magiging maligaya tayo kapag nakikita silang masaya? Kapiling man nila tayo o hindi, ang mahalaga ay masaya sila, at dapat masaya rin tayo para sa kanila, kasi ganoon ang pagmamahal, Kuya Han. Alam kong nasasaktan ka dahil hindi kayo magkasama, pero alam ko rin na sa kailaliman ng puso mo, masayang-masaya kang makita siyang nasa maayos na sitwasyon." sabi ko sa kaniya.

"I just wanted to share more beautiful moments with her..." sabi nito. 

"Let's just hope for the best, Kuya Han. Mahirap man, naiintindihan kita. But we don't have any choice left, siguro dapat na natin ipaubaya sa tadhana ang lahat. If your fate is intertwined with hers, the universe will conspire to bring you together. Sometimes, our fates need space to breathe and appreciate solitude." sabi ko kay Kuya Han at niyakap ito. He's crying so badly, and comforting him is the only thing I can do for now.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon