Arisanna Mirielle Trujillo
Isa sa mga rason kung bakit kahit gaano kahirap kapag may klase, ay yung mapalayo ako sa bahay naming, iyong makasama ko si Kuya Han, yung nararamdaman namin kung sino ba talaga kami, at nagagawa namin yung mga bagay na gusto namin. We feel freedom when we are out of that cage, like birds, chirping so wild just to be released on that suffocating prison.
Mas lalo pa kaming naging close nila Klyde at Kassey, idagdag pa si Waylen na hindi pwedeng walang bigay na strawberry milk tuwing magkikita kami. He also became my friend throughout the first week of your class.
Today is a very special day, I am planning to run for President of Ridgeview's student council. Todo support naman sa akin sila Klyde at Kassey maging ang mga kaklase namin. Sila pa nga mismo ang naglay-out ng posters ko, maging ang pagpapakilala sa akin ay sinimulan na rin nila kahapon pa lang.
"Are you sure you want to run?" tanong ni Kuya Han habang naglalakad kami papasok sa Ridgeview.
"Yes, Kuya. Alam mo naman na lagi ko itong ginagawa kahit na noong elementary pa lang." sagot ko.
"I know, pero iba na sa college. Mas maraming activities, at mas mabigat." sabi ni Kuya Han at alalang-alala ang kaniyang boses.
"I'm aware, Kuya Han. Maganda rin kayang way itong responsibility na 'to, it can help me to distract myself from, you know." sabi ko kay Kuya Han, doon na naman mas lalong nag-alala ang kaniyang mukha.
"Baby Miri..." bigkas ni Kuya Han sa pangalan ko.
Alam ko na nalulungkot siyang marinig at makitang ganito ako. Yung ubos na ubos ang tiwala sa sarili, na puro na lang pagdududa sa sarili, kaya kung anu-ano ang ginagawa, inaabala ang sarili para huwag na masyadong mag-isip pa.
"It's okay, Kuya Han. Magandang opportunity 'to, to distract myself from thinking negatively." sabi ko ay ngumiti sa kaniya.
"When you see me doing my best, you appreciate it, right Miri? Dapat ganoon ka rin sa sarili mo, kapag alam mong ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo, mahalin mo iyon. Huwag mong pagdudahan ang mga pagod na nararanasan mo maibigay mo lang ang lahat-lahat ng kaya mo." pangaral sa akin ni Kuya Han.
I smiled, he is right. Pero sa tingin ko, sa tagal ko nang ginagawa ang pagdududa sa sarili ko, hindi iyon basta-basta napaluluwag ng mga salita ng ibang tao, lalo na kung salita rin ng ibang tao ang mas dumudurog sa akin.
"I'm doing my best to gain confidence, Kuya Han. But everything is still fresh, parang sugat na paulit-ulit nasasagi kaya hindi gumagaling." sabi ko at malungkot na ngumiti.
"I'm sorry baby Miri. Sorry if I can't do anything to protect your heart." sabi ni Kuya Han sa akin.
"No, Kuya Han. You're doing good, kasi kung hindi mo ako pinoprotektahan, I'm sure hindi lang sugat ang mayroon ako ngayon. Stay with me always, Kuya Han, ikaw lang ang mayroon ako." sabi ko sa kaniya at niyakap siya.
"Basta kapag nakaramdam ka na nahihirapan ka, kahit na nalungkot ka nang bahagya, tawagan mo ako kaagad, pupuntahan kita." sabi ni Kuya Han sa akin, napangiti ako at tumango. Kung wala siguro akong kapatid, baka matagal na akong walang pinanghahawakan sa mundong ito, baka nga matagal na akong hindi humihinga.
Nang makarating kami sa tapat ng building namin, doon ko napansin na hinihintay pala ako nila Klyde at Kassey. Kaagad na akong yumakap kay Kuya Han at nagpaalam na. Humalik sa aking ulo si Kuya Han at inabot sa akin ang tatlong set ng breakfast meals na binili namin para sa amin nila Klyde at Kassey mamayang break time.
"Kalat na kalat na posters mo around university, sikat ka na, Miri." sabi ni Kassey, natawa na lang ako at napailing.
"Baka naman saan-saan na kayo nagbigay ng flyers." sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...