Chapter 10

65 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Gladly, Xytos is a part of our section. Hindi na tuloy ito nahirapan lalo na't mukhang hirap itong makisalamuha. Tuwang-tuwa ito nang malaman na kami ang kasama niya, para bang nabunutan ng tinik sa dibdib ang kaniyang inakto, para ko tuloy siyang nakababatang kapatid. Everytime Xytos is near me, I felt like I'm taking care of a younger brother.

"You look young, Xytos." komento ko naglalakad kami papalabas ng Psychology Building.

"I was excellerated, and I'm just two-years younger to be honest po." sabi niya sa amin. Napanganga naman ako roon, siguro ay matalino talaga ang batang ito. Kaya pala kung kumilos siya ay parang high school, tapos tinatawag niya ang lahat ng Ate at Kuya.

Lunch time na at sa tingin ko ay naghihintay na si Gael sa laba sng building namin. Ibinilin ko na lamang sa kambal si Xytos, isa pa tuwang-tuwa rin naman sa kaniya ang ibang classmates namin at gusto rin itong samahan kumain sa cafeteria.

"Hindi makakasama iyan sa atin si Miri, may kabebetime yan sa architecture department." sabi ni Kassey. Namula naman tuloy ako, hindi ko alam pero kapag tungkol kay Gael, mabilis akong makaramdam ng kilig at minsan hindi ko makontrol kaya namumula ako palagi.

"Kinikilig na naman siya." pang-aasar ni Klyde.

"Stop it girls. Araw-araw na lang ninyo ako inaasar kay Gael." sabi ko sa kanila.

"Aba syempre, alangan naman sa iba ka namin asarin, baka sumabog sa selos iyon at mambato ng T-square." biro ni Kassey kaya nagtawanan kaming lahat.

"Mauna na ako guys, nandiyan na si pogi." sabi ko, natilian naman ang dalawa at tumawa si Xytos. Kumaway na silang lahat sa akin at ganoon din ako bago tuluyang lumapit kay Gael.

Gael was smiling at me, waving his hand while his art materials were clinging to his back. Plus his specs once again, he really looks handsome and very charming. Now I wonder what his parents look like, for sure they also have beautiful faces like him. 

"Hello, pretty." bati niya sa akin at bahagyang yumakap. I was surprised at first, but then I embraced him too because of my overflowing emotions. It was a loose hug but then it was special because it was our first embrace together.

"Hello, we did see each other a while ago but it seems you missed me so much?" pang-aasar ko sa kaniya. 

"I miss you every time, Mirielle." sagot nito at tila seryoso pa. I felt the butterflies in my stomach once again, how come he looked calm while saying those words?

"I thought I was late. Nag-overtime kami dahil sa isang plate, buti na lang talaga nasimulan ko na iyon kagabi, kung hindi baka hindi ako nakapagpasa today." kuwento niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa garden, may dala-dala na siyang paperbag, siguro ay mga binili niyang pagkain. Punuan kasi ang cafeteria palagi kaya bihira lang din akong kumain roon, lalo na ngayon na kasabay ko palagi si Gael.

"Isn't hard, Ga? Sports and academics?" tanong ko sa kaniya.

"It is, but as long as you love what you're doing, you will feel the tiredness but the feeling of giving up, that's impossible." sabi niya sa akin, I smiled what a great point.

"I bought some Korean egg drop, I heard this tastes good." sabi niya sa akin. Naupo kami sa isang bench. Inalalayan niya pa ako tapos siya na rin mismo ang naglabas ng mga pagkain na binili niya, at inaamin ko medyo marami iyon na pakiramdam ko ay nasa picnic kami.

"Ang dami naman nito, Ga." sabi ko sa kaniya.

"It's fine. Kainin mo lang ang kaya mo, ako na bahala sa mga tira. Isa pa, hindi ko rin kasi sigurado kung anong mga gusto mo, so I just bought everything that looks good." sabi niya at binuksan ang isang egg drop sandwich tapos ibinigay iyon sa akin. Nagbukas din siya ng isang strawberry milk at inabot din iyon sa akin, I literally look like a child who can't open their own food, I pouted. 

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon