Chapter 16

59 3 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Kung hindi ko lang siguro siyang sinenyasan na may kasama siyang reporter, baka tumakbo na siya papunta sa akin at sinugod na ako ng mahigpit na yakap. Nailing-iling na lang ako habang nakangiting pinagmamasdan siya na sumasagot sa mga iilang tanong ng reporter.

Ilang sandali lang nang matapos siyang interviewhin ng reporter, tumakbo na ito at malaki ang ngiting lumapit sa akin.

"Are you mine now, Mirielle? Really?" hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango-tango ako at hinawakan ang kaniyang pisngi bago ngumiti sa kaniya.

"Ayaw mo?" pang-aasar ko sa kaniya, napanguso naman ito sa akin kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Of course, I want it. I'm finally yours, I mean I'm all yours even without the label but now that you confirmed it, it makes me happier." sabi niya sa akin at hinalikan ang aking noo. I smiled, what did I do to deserve this man?

"I love you. I'm so in love with you, Arisanna Mirielle. I'm forever grateful to fate for making me feel this way." sabi niya sa akin. I didn't answer him but I gave him an embrace with my pure intention and affection. 

"I love you too, Ga." 

Handa akong gawin ang lahat, masuklian lang ang pagmamahal na mayroon siya sa akin, at mas dagdagan pa iyon nang walang pag-aalinlangan. Loving him more and more is like a mission in my life that I am very much willing to take.

"Let's date." pag-aaya niya, tumango naman ako sa kaniya. After of this tiring day, I wanted to rest with him, my very own pahinga, my Gael.

Hinayaan ko munang magpalit siya ng damit, ayaw niya kasi akong yakapin nang siya ang magsisimula dahil pawisan daw siya at nahihiya. He smells good even though he's full of sweats that's why I actually don't mind. Hinintay ko lang siya sa bleachers na malapit sa entrance ng kuwarto nila. Wala na rin kasing gaanong tao, tapos ang iilang volunteers at staffs na lang ang nandito para ayusin at linisin ang arena.

"Congrats, Presi!" napalingon ako sa tumawag sa akin, sila Andreu, Xantria, Kassey at Klyde pala. Mukhang pauwi na rin sila at kinuha lang ang kanilang mga bag sa assigned area namin ng mga student council. 

"Congrats sa atin!" bati ko, tumawa sila sa akin kaya nagtataka ako kung bakit.

"Minsan pala nagiging slow yung mga matatalino 'no?" sabi ni Kassey kaya mas nagtawanan pa sila, pero hindi ko pa rin sila naiintindihan.

"Bakit? Ano bang mayroon?" tanong ko pa sa kanila.

"Ay si Presi, pagod na yata talaga." sabi ni Andreu.

"Sinagot mo na si Waylen hindi ba? Trending na nga kayo sa twitter." sabi ni Klyde. 

"Oh, I thought y'all congratulating me because of the win a while ago." sabi ko at napakamot sa sa aking ulo. 

"Kahit ganiyan ka Presi, mahal ka pa rin namin." sabi ni Xantria at nagtawanan naman kami. 

"Sorry, naguluhan ako for a bit. You know mas malaki panalo ko today." pagyayabang ko.

"Presi naman, huwag ganiyan, hindi kami makalaban e." sabi ni Kassey, natawa naman ako.

"Paano ba iyan, Presi. Mauuna na kami, for sure may bebetime ka naman so we know na safe kang makakauwi." sabi ni Andreu at yumakap sa akin kaya nagsi-gayahan na rin ang tatlo.

"Mag-iingat kayo, magsend kayo ng message sa akin kapag nakauwi na kayo." bilin ko sa kanila. 

Nang makalabas na sila ng arena ay sakto namang lumabas na rin ang aking nobyo mula sa locker room ng players. Hindi pa rin ako makapaniwala na nobyo ko na ang lalaking ito. He's now wearing a black polo, and the first two-buttons of it is widely open which made him look hotter, adding the attractiveness of his specs are good enough to make my knees weak.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon