This is Arisanna Mirielle Trujillo
Mabilis lumipas ang mga araw. Tumagal din ng isang buong taon ang panliligaw ni Gael sa akin ulit. Ngayon ang araw na magiging espesyal para sa aming dalawa. Just like I promise, when I pass the entrance exam to the med school I applied to, sasagutin ko na siya. Ayoko na rin namang patagalin pa, we both deserve to have each other, isa pa ang tagal na nitong pinagdamot sa amin ng mundo, kaya wala naman akong nakikitang rason para mas patagalin pa ang lahat.
He's a great architect at the moment, abala ito sa mga proyekto na ibinibigay sa kaniya ng kompanyang pinagtatrabahuan niya, pero kahit na ganoon, hindi naman siya nawalan ng oras sa akin. Hindi naman niya hinahayaan na hindi siya maging parte ng bawat araw ko, totoo nga ang sinasabi niyang hindi siya napapakali kapag wala siyang ambag sa bawat araw ko.
"Ngiting-ngiti ka yata?" sabi ni Ate Cyerra, nandito sila ngayon sa bahay ko. Naghanda kasi ako ng bahagya dahil mamaya ay sabay-sabay naming titingnan ang resulta ng entrance exam ko. I'm confident though since I did my best and studied hard.
"I'm just excited to be his again, Ate Cyerra." sagot ko.
"Ganoon din ang isang iyon panigurado. Kami rin ng Kuya Han mo, hindi na rin kami makapaghintay na makita kayong dalawa na magkasama at maging magkarelasyon ulit." sabi sa akin ni Ate Cyerra.
"I'm just so lucky to have him, Ate. Imagine, he waited for me, ang tagal-tagal na niyang naghihintay sa akin, pero nandyan pa rin siya, parang hindi napapagod kahit na madalas ako na yung nakakapagod." sabi ko.
"Napapagod naman ang lahat, Mirielle. Ang maganda lang, napapagod man sila sa atin, tayo pa rin ang pinipili nilang gawing pahinga. Iyon ang pagmamahal na minsan mahirap na mahanap. Kaya kahit ako, masaya akong nakatagpo ko ang kapatid mo. At ikaw, masaya rin akong makita na pinagtapo kayo ni Waylen, lalo na't karapat-dapat ang isang iyon para sayo." sabi ni Ate sa akin at ngumiti.
"Are you ready to build your own family? Are you planning to have a kid?" tanong ni Ate Cyerra sa akin.
"Honestly, when I was young, I never wanted to have a kid, Ate. Siguro kasi nakita ko yung buhay na mayroon ako, natakot ako na bumuo ng pamilya dahil sa mga naranasan ko. But when I saw him, his love for me, nagbago bigla yung pananaw ko sa buhay Ate. Kaya sinikap kong maging maayos, to recover and be healed. Dahil gusto ko ring maging karapat-dapat na maging asawa at ina ng mga magiging anak niya. Nakita ko rin kasi kung gaano siya magiging mabuting asawa at ama kung sakaling siya ang kasama kong bumuo ng pamilya, sa kaniya ko lang din nakikita ang sarili ko, Ate. Kung hindi si Gael, huwag na lang."
"Sobrang ganda ng pagmamahal na mayroon kayo ni Waylen, sa totoo lang. Kaya sigurado akong maraming tao ang naging inspirasyon kayong dalawa, isa na kami roon ng Kuya Han mo, at alam kong alam mo iyon." sabi ni Ate sa akin.
"Masaya kaming nagiging inspirasyon niyo kami, dahil sa totoo lang iyon naman ang gusto namin, hindi ipagyabang yung koneksyon namin, pero ipakita kung ano pa ang magagandang bagay na naidudulot ng pagmamahal na mayroon kami, how healthy love can produce beautiful things."
Dahil totoo naman, para lang itong isang halaman. Kapag hindi naarawan, nadidiligan, at naalagaan, namamatay. We have to take care of the love we are building, grow it in a healthy environment, so that it won't cause chaos to ourselves and to the people around us. Natututo na ako sa relasyon mayroon ang mga magulang ko, wala naman itong naidulot na maganda at mabuti, kung gagawin ko rin ang bagay na iyon, para lamang akong umuulit ng pagkakamali at walang pagkatuto.
Tinulungan ako ni Ate Cyerra na magluto ng iba pang pagkain at mag-ayos sa lamesa. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ibang mga bisita, gaya ng mga team mate ni Gael, ang pamilya ko sa Seventeenth Heaven at ang ilang kaibigan ko rin mula sa Ridgeview at Saint George.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...