Chapter 20

68 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

"Kuya...you lied to me." sabi ko kay Kuya Han.

"Listen to me first, baby Miri..." mahinahon na sabi ni Kuya Han, akmang lalapitan niya ako pero agad akong lumayo sa kaniya.

"Makinig ka muna sa kapatid mo, Mirielle." sabi ni Gael.

"You know about this too?" tanong ko, hindi siya nakasagot at umiwas lang ng tingin.

"I get it." sabi ko at mapait na natawa.

"Mirielle..."

"Miri..." sabay pa nilang pagtawag sa akin.

"Mas lalo niyo lang dinidikdik sa utak ko na mahina ako." sabi ko sa kanila.

"It's not like that, Miri. Makinig ka muna kay Kuya." sabi ni Kuya Han sa akin pero umiling ako. 

Alam ko naman kung bakit nila piniling itago lahat ng ito sa akin, because all along, Mommy was right. I'm weak. Kahit anong pagpapanggap kong maging malakas at maging magaling, hindi nabubura roon ang katotohanang ito lang naman talaga ako, walang maibubuga, kapos na kapos, at isang anino, habang buhay na hanggang dito na lang.

"Stop it, Kuya. Huwag niyo na pagaain ang loob ko. Dahil tama naman talaga si Mommy, tama silang lahat, hindi ba? Kaya pati kayo ganiyan kung tratuhin ako, na para akong sanggol na hindi alam ang dapat gawin." sabi ko sa kaniya.

"I just don't want you to suffer, Miri..." sabi ni Kuya sa akin.

"And you think I wouldn't suffer because of your lies? Mas sinaktan niyo lang ako sa pagsisinungaling niyo!" sigaw ko sa kanila.

 "Mirielle...calm down please." sabi ni Gael, I laughed bitterly.

"I despise lies! I hate the both of you!" sigaw ko at tumakbo papalabas ng unit. 

They were shouting my name but I ran as fast as I could. I wanted to leave so much, my heart is so tangled that it makes me so hard to breathe.

Hindi ko na rin alam kung paano ako nakasakay at kung saan papunta ang bus na sinakyan ko. I look horrible but I don't care, I want to be away, to be alone, and to be free from everything that clenching my heart. It was so hard to process everything, akala ko kakampi ko silang dalawa, pero nagsinungaling sila sa akin, at iyon ang pinakamasakit na bagay na nakuha ko ngayong araw. 

Bumalik lang ako sa aking sarili nang makita ko ang sarili ko sa isang park. Dito pala ako ibinaba ng bus. Wala akong kaalam-alam kung saan ito, ang mahalaga nandito ako, mag-isa at malaya, malayo sa kanilang lahat.

Lies, disappointment, anger, and pain are consuming me. Ang hirap isipin, nakakokonsensiya. They are suffering on my behalf because all this time I'm still weak and I never gotten strong even a bit. 

"Excuse me..." napa-angat ang aking tingin sa tumawag sa akin. Umayos ako ng upo sa bench at inayos ang aking mukha.

"Pres! Ikaw pala. Bakit ka nandito?" tanong ni William. Iyong nakalaban ko noon sa pagka-presidente.

"Atsaka ayos ka lang ba?" tanong niya at naupo sa aking tabi.

"A-Alam mo ba kung saan 't-tong lugar na 'to?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, medyo malayo na 'to sa Agirmore. Bakit ka napadpad dito?" tanong niya sa akin. 

"I-I ran away from home." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na nga alam kung makakauwi pa ba ako, ang layo ko na rin pala sa condominium unit namin.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon