Arisanna Mirielle Trujillo
Uno's confession has been haunting me for days. Even though it's still hard for me to process everything, I made a promise to him that nothing will change and I will still treat him like a friend just like the old ways.
"Are you okay? You look so occupied, noong nakaraan pa, actually." sabi sa akin ni Miscianna. We are currently at a party, a welcome party to Caden since he studied for two years abroad.
Today is a very special day to be exact, hindi lang naman ang pag-uwi ni Caden at selebrasyon ang magaganap sa araw na ito. Caden has a plan to propose to his beloved girlfriend, Andreu. Sa plano niyang iyon ay kasabwat kami nila Xantria, Klyde, Kassey, at Miscianna.
I'm wearing a denim fitted dress and I paired it with leather boots. It was Miscianna's idea, she's a so-called fashionista and even can pass as a high-end model.
"Ayos lang naman ako, siguro medyo pagod lang." sabi ko sa kaniya at bahagyang ngumiti.
"Are you sure?" tanong pa niya ulit.
I showed my thumbs to her and nodded. "Don't worry about me." sabi ko pa.
"I'm so excited for them and so happy." sabi ni Miscianna.
"Ako rin, finally, they are about to enter a new chapter of their life."
Marami ring pinagdaanan ang dalawang ito. Hindi man ako saksi sa lahat, pero alam kong kung ano mang mayroon sila sa panahong ito, pinaghirapan at tunay na para sa kanila.
"Ikaw, kumusta kayo ni Osiris?" tanong ko sa kaniya. Osiris is her suitor for almost five months, he's from a very wealthy family and currently a resident doctor.
"We're doing good, and actually, I'm planning to give him my answer on his birthday." sabi niya sa akin, sa sobrang tuwa niya sa kaniyang sariling balita ay napayakap na rin siya sa akin.
Napangiti naman ako roon, mas lalo akong nagiging kuntento at nagiging masaya kapag nakikita kong nasa magandang sitwasyon ang mga mahal ko sa buhay. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang seremonya.
The celebration was intense and very enjoyable, but on the other hand, there's I, realizing heart-clenching questions. "Will I ever get my happy ending?" "Will I ever get to the point where I am the female lead in a love story and I am getting my amazing epilogue?"
Hindi mawala sa isip ko ang mga bagay na iyon. Habang pinagmamasdan ko yung dalawa na punong-puno ng saya habang sumasayaw sa gitna, I was thinking about him. Siya ang namumukod tanging umukupado sa isipan ko. I wanted to as happy as they are, with him, with my one and only Ga, whom I misses the most.
I'm so happy to see Caden and Andreu getting their happy ending because finally, after all those depressing obstacles, they're finally at the last stop, in their happy ending.
"You miss him?" tanong sa akin ni Xantria, tinabihan ako nito habang tahimik akong umiinom ng wine sa tabi.
I smiled, and let out a bitter laugh because she was right. "Sobra, Xantria. Pero wala pa rin akong mukhang maihaharap sa kaniya. Kaya ngayon hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipaglaban, o dapat na akong magparaya't magpatalo, kasi hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. Natatakot akong masaktan at mas durugin pa siya. Hindi iyon karapat-dapat sa isang tulad niya, Xantria. Alam mo iyan." sabi ko sa kaniya bago uminom ng alak.
My heart is clenching so wild, ayaw nitong magpaawat, hindi ito naawa sa akin.
"You have to realize that there's no point crying over spilled milk, Mirielle. Tapos na ang pahinang iyon, tapos na yung kabanata kung saan nasaktan mo siya, at hindi ka na makababalik pa roon. Isa lang ang puwede mong gawin, ang pagandahin ang takbo ng istorya niyong dalawa sa mga paparating na kabanata." sabi niya sa akin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...