This is Waylen Gael Bejerano
"Maraming salamat sa tulong mo, Waylen." pasasalamat sa akin ni Kuya Han, nasa coffee shop kami, kakatapos lang hatulan ng kanilang mga magulang sa korte.
"No need to say that, Kuya Han. Ginawa ko lang ang tama, hindi ko lang ito ginawa para sa inyo, ginawa ko rin ito dahil ito ang tama, at kailangang mabigyan ng leksyon ang mga magulang niyo ni Mirielle." sabi ko sa kaniya, he smiled at me and tapped my shoulders.
"They deserve it. Sinira nila ang kabataan namin ng kapatid ko, our mental health was damaged because of their selfishness. They don't deserve any pity at all."
"Hindi dahil kadugo sila, puwede na palagpasin at patawarin. What they did is beyond a human being can do. Hindi sila mga magulang at lalong-lalo na hindi sila mga tao." dagdag ko. Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako sa tuwing naalala ang mga dinanas nila Kuya Han at Mirielle sa kamay ng kanilang mga magulang.
"Malaki ang utang na loob ko sayo at sa pamilya mo, Waylen. Salamat, maraming salamat. Kung may maitutulong ako sa inyo, magsabi ka lang, nandoon ako at babawi ako."
"We all did what's right. Isa pa, Kuya Han, sila Mommy at Daddy naman ang nag-pondo ng lahat, maging sa paghahanap ng magagaling na abogado, hindi lang naman ako ang kumilos dito, marami tayong kumilos para sa hustisya." dagdag ko pa.
"Hindi na ako nagtaka kung bakit mahal na mahal ka ng kapatid ko." sabi ni Kuya Han. My heart skipped a bit, sa tuwing maririnig ko ang mga bagay na tungkol sa kaniya, ganoon pa rin ang epekto sa akin. Kilalang-kilala pa rin siya ng buong pagkatao ko.
"Mahal na mahal ko rin naman siya, Kuya. At hinihintay ko pa rin siya." sabi ko.
"Darating din tayo diyan, Waylen. Ako ang unang magsasabi sayo kapag maayos na ang kalagayan niya. Sa ngayon, on-going pa rin ang therapy sessions niya, tapos nakatulong din sa kaniya ang pagtatrabaho sa cafe ni Joaquin."
Alam ko naman ang mga nangyayari sa kaniya, bukod sa balita ni Kuya Han at ni Joaquin, nakikibalita rin ako sa mga scholar nila Mommy at Daddy na sina Miguel at Uno. Gustuhin ko mang ako mismo ang magbantay, mag-alaga, at gumabay kay Mirielle, hindi puwede lalo na't ito ang naging hiling niya, at ayoko namang maging masama ang pakiramdam niya at mapuno siya ng konsensiya lalo na't hindi naman niya ako naalala. Kating-kati na akong alagaan siya, kung puwede lang, ako na lang mag-alaga sa kaniya, sumama sa mga therapy session niya, maglinis ng mga sugat niya, lahat kaya kong gawin, pero hindi puwede, at iyon ang mas nagpapahirap sa akin sa mga panahong magkalayo kami.
Ayokong mawala sa kaniya sa mga panahong kailangan niya ng lakas, ng mga taong tutulak sa kaniya para kayanin niya ang lahat. Kaya kahit na hindi ko magawang lapitan siya, gumawa pa rin ako ng paraan para maiparamdam at maipakita na nandito pa rin ako at hinihintay ang matamis na pag-uwi niya.
"Are you sure? Bibili ka ng share dito sa Seventeenth Heaven? Pre naman, kakabukas ko lang nito, ayoko namang masayang pera mo, mamaya hindi maging maganda kalabasan nito." sabi sa akin ni Joaquin at nagdadalawang isip pa. Nagkita kami sa Japan isang beses at doon ko siya sinabihan sa plano ko.
"I want Mirielle to stay there with ease. Lahat ng pagkain niya, gusto sa akin galing, lahat ng kailangan niyang gastusin sa loob, sa akin mo ibawas. Ito na lang magagawa ko para sa kaniya. At least to cheer her up with some notes na alam kong hindi naman na pamilyar sa kaniya. Besides, I want to be connected with her."
I asked Miguel and Uno to give her drinks every day with my handwritten notes and folded paper flowers.
Masaya akong makitang nagiging masaya rin siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Dumarami ang kaniyang mga kaibigan, at ang pinaka-mahalaga, minamahal at pinahahalagahan na niya ang kaniyang sarili. It was the image I was longing to admire, the image of her loving and realizing her worth, indeed a masterpiece.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...