Chapter 17

55 4 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Today, Gael invited me to their Family dinner night. Kinakabahan nga ako, at hindi ko alam kung anong uunahin at gagawin, mabuti na lang talaga at napadalaw si Ate Cyerra sa condominium unit namin ni Kuya Han kaya natulungan niya akong mamili ng damit na susuotin tapos accesories na babagay sa damit. Inayusan niya rin ang aking buhok at nilagyan pa niya ako ng make up.

"You look so beautiful, baby Miri. No wonder Waylen looks so captivated." sabi sa akin ni Ate Cyerra, nilagyan na niya ng mga butterfly silver clips ang aking bahagyang kulot na buhok, kaya mas lalong gumana tingnan ang aking ayos.

"Thank you, Ate Cyerra." pasasalamat ko at pinakatitigan ang aking mukha sa aking salamin. 

"Always welcome, our baby Miri." malambing na tugon niya sa akin. 

Ate Cyerra has became my older sister after we met, kung tratuhin niya ako ay para talagang isang kapatid niya. Sobrang dami rin kasi naming pagkakapareho kaya marami rin kaming bagay na napag-uusapan sa tuwing may pagkakataon.

"Ang ganda naman ng prinsesa." sabi ni Kuya Han na pumasok sa kuwarto ko, yumakap ito kay Ate Cyerra.

"I told you, your sister is very pretty with her look now." sabi ni Ate Cyerra.

"Of course, she's pretty since birth, tapos maganda rin yung nag-ayos sa kaniya." sabi ni Kuya Han, natawa naman ako dahil namula si Ate Cyerra sa biglaang banat ni Kuya Han. I didn't know that Kuya Han has this kind of side, napailing-iling na lang ako.

I'm currently wearing a long pastel yellow dress, it has printed daisy flowers as its design. It also has a slit at the side that starts at the bottom of my legs up to the end of the dress which made the dress look classy. 

I took a picture of myself through the mirror and decided to post it on my Instagram account. I also sent it to my boyfriend. Nagsuot na ako ng two-inches white heels at naupo na sa sofa sa aming sala para maghintay sa pagdating ni Gael. Kuya Han and Ate Cyerra decided to cook some food for the both of them that's why they are staying in the kitchen. I really like staring at both of them, they make me think that love is indeed capable of releasing someone's light. Staring at Kuya Han who's showing his rarest light makes me hold on more to this life. I love seeing him this happy because I have nothing to wish for him but his pure and genuine happiness. 

Ilang sandali lang ay may nag-door bell na, ako na ang pumunta sa pintuan para buksan ito dahil abala ang dalawa sa pagluluto. Bumungad sa akin ang ubod ng guwapo kong nobyo. Yung specs niya talaga hindi pumapalya sa pagpapakilig sa akin, he looks so good with it. Dashing with his denim jacket and his inner white shirt. What a good-looking man he is.

"Good Afternoon, my pretty baby." bati niya at humalik sa aking noo bago ipinulupot ang kaniyang braso sa aking baywang. 

"Good Afternoon too, boyfie." bati ko sa kaniya pabalik. Pumasok na kami sa loob ng condo unit dahil magpapaalam na kami kina Kuya Han at Ate Cyerra.

"Magandang Araw po, Kuya Han at Ate Cyerra. Sunduin ko lang po si Mirielle." sabi ni Gael. 

"Mag-iingat kayo, enjoy your day, baby Miri." sabi ni Ate Cyerra.

"Dahan-dahan sa pagmamaneho, Waylen. Mag-ingat kayo and have fun." sabi ni Kuya Han. Tumango naman kaming dalawa ni Gael tapos tuluyan na ring lumabas ng unit.

Hindi tinatnggal ni Gael ang kaniyang pagkakahawak sa aking baywang, at tila mas hinihigpitan pa iyon dahil sa aming paglalakad. Wala namang bago, dahil kahit noong mga una pa ay ganito na siya kung alalayan ako, naiiba lang ngayon dahil hindi na siya nag-aalangan at nahihiyang hawakan ako sa aking baywang. He's still the Gael I liked and I love despite the label we have, honestly he became even sweeter and gentle with me. Walang nagbago bagkus mas lumala lang ang kaniyang pag-aalaga sa akin.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon