Ang Serlande ay isang mapayapa at magandang kontinente. Walang dayuhang nakakapasok dito. Napakahigpit ng pagbabantay sa mga daungan at paliparan at walang ibang lahing nakakatuntong sa lupang sakop ng kontinenteng ito.
🌠 Serlande University.
The most wanted school in the continent of Serlande.
It is never an easy job to become a student of this University.
Mahirap mag-apply bilang estudyate sa paaralang ito. Maraming dapat asikasuhin, maraming dapat gawin. Kakailanganin mo ng mahabang pasensya.
Hindi rin ganoon kadaling bayaran ang tuition fee kung isa ka lang sa mga taong tinatawag nilang 'commoners'. Kakailanganin mo ng koneksiyon mula sa mga mas matataas ang antas.
Anu-ano o sinu-sino ang ibig kong sabihing 'mga mas matataas ang antas'?
Ang mga Heneral, mga Sundalo, mga tauhan ng mga kaharian, at ang mga MAHARLIKA.
Halos lahat ng mga estudyante ng Serlande University (na maari ring tawaging SERIUN) ay may kamag-anak na Royal Army o 'di kaya ay sinumang marangal at propesiyonal na nagsisilbi sa iba't ibang kaharian na sakop ng Serlande.
Iilan din sa mga estudyante ng Serlande University ang nabibilang sa Royalty level. Kung sinu-sino sila, malalaman niyo 'yon sa takdang panahon.
PROLOGUE
Sabi sa'kin ng kaklase ko noon, hindi daw siya naniniwala sa Fairytales na pare-pareho lang ang kwento at ending (and they lived happily ever...after...).
Hindi daw totoo ang Prince Charmings na laging nakasakay sa kabayo at nagtatago sa kani-kanilang mga palasyo o 'di kaya'y sa likod ng mga kawal nila. Wala daw nag-eexist na Prinsesa.
Tama ba siya?
Para sa'kin, hindi.
Ang kwentong ito ang magpapatunay na hindi lahat ng Fairytales ay pare-pareho ang takbo ng kuwento. Na hindi lahat ng Prinsipe ay sumasakay sa kabayo at nagtatago sa palasyo.
This story involves Royalties. Yes, tama ang nabasa mo. May mami-meet kang mga hari, reyna, prinsipe, at prinsesa sa kwentong 'to.
Bakit? Because Serlande is a continent of Royalties. Simple.
Ano kaya ang gagawin ng Prinsesa sa kwentong 'to kung dahil sa kagustuhan niyang baguhin ang PROPESIYA ay mapupunta siya sa isang sikat na Unibersidad at biglang mababaligtad ang buong mundo niya?
Maaari kayang mangyari na ang dating payapa, maganda, at prestihiyosong eskwelahan ay biglang gugulo sa isang iglap lang?
Paano kung dahil sa desisyon niyang hanapin ang lalaking tinutukoy ng propesiya ay maaring hindi na siya makalabas ng buhay sa Serlande University?
Paano kung ang lalaking yun lang ang maaring magligtas sa nanganganib niyang buhay?
Will she risk her LIFE and still fight for her LOVE?
Or will she let go of her LOVE and just choose her LIFE?
Is being a Princess enough to make it all right?
ABANGAN ANG MGA KASAGUTAN.
Magpatuloy sa pagbabasa.
NOTE: The trailer is in the Multimedia section. I made it myself and I hope you'd like it! ^___^
[A/N: HELLO PO! Haha! Welcome back! Agad2! Tapos na po ako sa pagta-type ng Epilogue ng isa kong story kaya nagsimula na ako sa Prologue nitong bago kong kwento. ALERT to the highest level! ^O^
By the way! Hindi po MAKALUMA ang type ng ROYALTIES dito sa new story ko. MODERN type po ito kaya 'wag kayong mag-alala. Hindi sila susuot ng gowns, suits, and crowns all the time. In a nutshell, the places, types of speaking, and types of clothings will not be faaaaaar from reality!
Kung ano po ang ibig kong sabihin? Pakibasa na lang ng kwento para malaman niyo! *^___^*
I really hope you'll support my new story! I'll do my best to make it a different and a good one!
You are my inspiration! 💗
Yun oh! 👆
GOOD LUCK TO ME! ]
CREDITS TO @imyoshino for suggesting revisions for the Prologue. I hope it's better now. ^___^
TANDAAN: Lahat ng mga pangalan, bagay, lugar, at pangyayari na saklaw ng kwentong ito ay nagmula lamang sa aking imahinasyon. Kung mayroong kahit na anong mula sa kwentong ito na magkatulad sa kahit na anong mula sa totoong buhay ay 'wag niyo na lang problemahin, dibdibin, o personalin. COINCIDENCE lang yun! :D
☬Oh_Encantada
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully