⌛34th Hunt: Mark of Revelations

1.2K 41 3
                                    

34th Hunt: Mark of Revelations


Payne's POV ♕

"Hindi ka pa rin ba natatakot sumama sa'kin? Mamaya mag-away na naman kayo ni Khai." Pahayag ko habang binibilisan yung lakad ko para 'wag na'kong sundan ni Thao. Nandyan na naman kasi siya eh. Binubuntutan na naman niya'ko.

Hindi pa siya natuto sa nangyari noong nakaraang araw.

"Hindi. Bakit naman ako matatakot?" Aish! Andyan pa rin talaga siya! "Tsaka ako ang naka-assign na magbantay sa'yo ngayon kaya sorry ka na lang."

"Bahala ka."

"Galit ka ba sa'kin?" Bigla niyang hinigit kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.

Napatitig ako sa mga mata niya...

Lagi ko 'tong nararamdaman...

Katulad nung nagpiggyback ride ako kay Maxim...

"Panda..." Mahina kong imik sabay dahan-dahang haplos sa ilalim ng mga mata niya.

Hindi ko alam kong bakit.

Sinusubukan ko namang lumayo. Sinusubukan kong igalaw yung mga paa ko. Gusto ko siyang itulak para pakawalan na niya'ko...

Pero hindi ko magawa...

Nakakaakit yung mga mata niya...sobra...

"Huh?" Nagtaka siya.

"Panda eyes..." Bahagya akong ngumiti. Haaay...

He smirked and held my hand tapos ipinahawak niya sa pisngi niya yung kamay kong 'yon.

I felt my heart beating faster and faster...

"Gusto mo mga mata ko?" Is he seducing me? Shedda!

I nodded like a kid... Parang nahi-hypnotize ako...

"Gusto din kita." He grinned and kissed my hand tapos hinila na naman niya'ko papunta sa natutulog na lalaking nasa ilalim ng isang malaking puno sa soccer field.

A-Ano daw?!

Patakbo ako habang nagpapahila sa kanya.

"Oh ayan na gawin mo na ang dapat mong gawin at nagugutom na'ko." He gently pushed me towards Maskman.

Napasinghap ako't napatitig sa kanya nang kinakabahan.

"Hindi ka niya aanuhin. Babantayan kita." He smirked.

Grabe...

Mega-Blush effect! Ang gwapo talaga niya.

Pasensya na talaga, Khai. Hindi ko mapigilan ang pagkababae ko. Nyaaaaaaa!

Pero don't worry! I'll still do my plan!

I nodded and slowly walked towards Maskman, na himbing na himbing sa pagtulog.

Maganda kasi ang hangin ngayon eh...

Inilabas ko mula sa bulsa ng skirt ko ang marker kong kulay pink at umupo ako sa tabi ni Maskman.

Dahan-dahan kong inilapit yung marker sa mask niya at may isinulat ako doon—timing din kasi kulay puti yung suot niyang mask, hehehehehe!

Gumuhit ako ng tatlong heart and I imposted them with EXes. Hearts na may mga X.

I set out a soft sigh and put my marker inside my pocket.

Nakatitig pa rin ako sa mukha ni Maskman...

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon