⌛4th Hunt: Flashback
♕ Author's POV ♕
||| ⌚ 7 Y E A R S A G O ⌚ |||
"Princess Payne!" Sigaw ng isang butler habang hinahanap ang Prinsesang binabantayan niya. As usual, pinasundan na naman ng Hari ang Prinsesa dahil lumabas na naman ito sa Palasyo. "Haaay ang batang yun talaga!" Bulong ng binatang butler sa sarili niya habang hinahawi ang matataas na halamang nakaharang sa daan niya.
Ang hindi niya alam ay nagtatago lang pala sa 'di kalayuan ang batang hinahanap niya. Tumatawa-tawa pa ito habang pinapakinggan ang mga sigaw niya.
Tumakbo ang batang Prinsesa na nagngangalang Payne Bretton papunta sa isang malaking puno. Kulay violet ang mga dahon ng punong iyon kaya naakit siyang pumunta doon.
"Anung pangalan mo?" Bigla siyang may narinig na tinig mula sa malapit. Sumilip siya sa kabilang bahagi ng puno at nakita niya ang isang batang lalaking nakikipag-usap sa isang batang babae.
Magkaedad lang sila ng mga batang 'yon.
"Magpapakilala ako kapag bumalik ka dito bukas." Sagot ng batang lalaki.
"Ang daya mo naman..."
"Hindi ah... Ikaw? Ano name mo?" Tanong naman ng batang lalaki...
"Sasabihin ko pangalan ko kapag nagkita ulit tayo." Ngumiti ang batang babae at niyakap nito ang batang lalaki. "Thank you for playing with me!"
"Balik ka ulit dito bukas ah?" Nakangiting pahayag ng lalaki habang naglalakad na ito papalayo.
"Okay!" Umalis na din ang batang babae.
Nakaramdam ng lungkot at inggit si Payne... Gusto rin niyang magkaroon ng kalaro. Kaya nga siya laging lumalabas sa Palasyo nila ay dahil wala siyang kalaro doon. Puro kasi mas matatanda na sa kanya ang mga nandun.
"I want friend too..." Malungkot na bulong ni Payne sa sarili niya tsaka siya ngumiti. Babalik ako dito bukas. He'll be my friend! Yeyy!
Excited na excited si Payne sa naisip niyang plano. Gusto niyang maging kaibigan ang batang lalaking iyon.
Kinabukasan, bumalik siya sa gubat kung saan niya nakita ang dalawang bata. Nakangiti siya habang bahagyang tumatalun-talon papunta sa malaking kahoy na kulay violet ang mga dahon.
Huminto siya at nagpalingun-lingon. Walang tao, walang bata. Maliwanag ang paligid kaya malamang hindi uulan at matutuloy ang pagkikita ng dalawang bata.
Umunat si Payne. Desidido siyang hintayin ang batang lalaking yun. Gusto niyang magkaroon ng kaibigan. At ang batang yun lang ang gusto niyang maging kaibigan.
"Princess Payne?" May tumawag sa kanya kaya pumihit siya. Nakita niya ang butler niya na papalapit na sa kinaroroonan niya kaya naman nagtago siya sa trunk ng kahoy. Pagkadikit niya ng katawan niya doon ay may namatahan siyang envelope na nakapatong sa ibabaw ng malaking ugat...
Kulay itim ang envelope at may nakatatak na seal doon.
She slowly bent her body to get the envelope...
"Princess Paayyynnnee. Uwi na tayo oh? Nakakapagod nang maghanap sa'yo." Angal ng butler niya. But she remained silent...
Binuksan niya ang sobre at binasa niya ang nakalagay sa papel...
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully