⌛70th Hunt: Serlande University

1.1K 39 2
                                    

70th Hunt: Serlande University



Payne's POV


Dumaan ang isang linggo't isang araw.

Pilit pa ring tinutupad ni Xumin yung pangako niya noong naglaro kami ng Spin-the-Bottle. Naghahanap pa rin siya ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Chiro ngayon.


Ilang umaga akong nagising ng tanghali dahil walang gumigising sa'kin. Kumakain akong mag-isa dahil busy ang iba sa kani-kanilang mga buhay. Kapag binabangungot ako, wala akong matakbuhan...

"Hi Yuri." Bati ni Reece sa'kin at umupo siya sa tabi ko. Sa wakas may nag-abala ring kausapin ako. "Kumusta? Mukhang malungkot ka na naman."

"Wala lang kasi akong magawa..." Sagot ko sabay saglit na lingon sa kanya.

"Bakit di ka sumabay sa'min?" Tanong niya nang nakangiti.


Oo nga, Payne. Bakit di ka sumabay sa kanila? Baka sakaling sumaya ka.


But I shook my head.

"Hindi rin kayo matutuwa sa'kin." I answered sabay hingang malalim.

"Why?"

"Lagi akong natutulala. Ewan ko ba."

"Hindi ka naman ganyan nung nasa Chateau pa tayo ah?"


Natahimik ako sa sinabi niya. Napaisip ako. Ano nga ba ang ginawa ko nung nasa Chateau ako? Bakit parang okay na okay ako dun?


And then I realized something...


"Kasi may kasama pa ako dun." I sighed. Yeah, right...

"Eh? Nandito rin naman kami ah? May kasama ka pa rin." Tinapik niya yung kaliwang balikat ko.

"That's not what I mean..." Ano nga ba ang ibig mong sabihin, Payne? Bakit ka nalulungkot na babae ka!

"Owww..." Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay niya sa'kin. "You must mean..."

"N-No! It's not him!"

"Oh my gosh! Si Chiro!" Pumalakpak siya't kumisay-kisay habang humahagikhik. Jusku! "Nami-miss mo si Chiro!"

"Hindi! Hindi ganun—"

"Stop denying it! May hinala na din kaming siya nga ang pinuproblema mo!" Hinampas niya yung kaliwang braso ko at sinundot niya'ko sa tagiliran!

"Uy!" Umusug-usog ako. "Reece! Tumigil ka na nga!" Grabe pala manukso ang isang 'to!

"Ayoko nga! Uyyyy! Vote pa naman ako sa loveteam niyo! As in!" Kinikilig talaga siya! Juice colored!

"Hindi ko nga siya nami-miss!" Napanguso na talaga ako! Ang kulit kaya niya!

"Your eyes tell me the opposite!" At binelatan pa niya'ko!

"Tsk." Suko na'ko! Suko na'ko! Huhuhu!

"Pero Yuri." Bigla siyang sumeryoso at inakbayan niya'ko. Prinsesa ba talaga 'to? "Wag ka nang malungkot. Babalik din yun. Alam naman niyang sa kanya ka pinakaclose eh." She smiled encouragingly. "Kaya 'wag ka nang malungkot. Sa'min ka na lang muna sumama."

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon