⌛58th Hunt: Khai and Payne
♕__〆( ̄ー ̄ ) ♕
"Bestfriends?"
"Bestfriends!"
Naghawak kamay ang dalawang bata—isang babae at isang lalaki habang tumatakbo sa isang gubat. Marami silang nadadaanang malalaking punong iba-iba ang kulay ng mga dahon. Mayroong pink, blue, green, white, yellow, pero ang nakakuha ng atensiyon ng batang babae ay ang punong kulay violet ang dahon.
Sabay silang napahinto sa ilalim ng punong 'yon. Tumingala siya at ngumiti.
"Pupuntahan kita dito pagbalik ko. Padadalhan kita ng sulat kung kailan tayo magkikita dito." Nakangiting sabi ng batang lalaki sa kanya.
"Hihintayin kita dito. Hihintayin ko ang sulat mo." Naluluha siya. Iyon na kasi ang huling araw na makakapaglaro sila ng bestfriend niya.
"Pagbalik ko, Payne... Pupunta tayo sa kaharian niyo." Nakangiti pa rin ang lalaki.
"Um." Tumangu-tango naman siya.
"Wag mo'kong kakalimutan." Pinitik nito ang noo niya.
"Ikaw din, 'wag mo'kong kakalimutan, Shan..." Malungkot na sagot ni Payne.
"Um." Tumango din ang lalaki. "At kapag hindi ako nakabalik matapos ang sampung taon..." Hindi nakatapos sa pagsasalita ang batang lalaki dahil napahikbi na si Payne. Napangisi ang batang lalaki at niyakap siya nito. "Hanapin mo'ko. Hahanapin din kita."
"Shan..." Humihikbing sambit niya sa pangalan nito pero tuluyan na itong kumawala. "Shan magkikita pa tayo diba?"
"Um." Tumango lang ito habang dahan-dahan nang umaatras. "Pakakasalan pa kita." Ngumisi ito nang napakalaki at tuluyan nang sumama sa isang matandang lalaki. "Bye!"
"Bye...Shan!" Umiiyak na paalam ni Payne. "Pakakasalan mo pa'ko..." Bulong niya habang tinatanaw ang papaalis nang kalesa...
"Princess Payne, tara na." Hinawakan siya ng butler niya at pinasan. "Tahan na..."
Napabalikwas si Payne nang biglang tumunog ang alarm clock niyang napakalakas.
Hingal na hingal siyang napabangon habang nakangiwing nakahawak sa sumasakit niyang ulo. Naudlot ang weird niyang panaginip dahil sa 'pesteng' alarm clock.
Napasinghap siya nang maalala niya ang batang napanaginipan niya. Kung hindi siya nagkakamali, yun din ang batang lalaking bigla-bigla na lang nagfa-flash sa isipan niya. Pero hanggang ngayon ay malabo pa rin ang pagkakaalala niya sa mukha ng batang 'yon. Hindi pa rin niya maalala kung sino yun.
"Si Khai yun..." Pagconclude niya. "Siya lang naman ang naging kaibigan kong lalaki..."
Inub-ob niya yung mukha niya sa mga palad niya at napahagulgol siya. Pati sa mga panaginip niya ay pinapaalala na sa kanya ang pangako niya kay Khai. Nangako siyang si Khai ang pakakasalan niya at hindi man yung saktong pangyayari ang napanaginipan niya, alam pa rin niyang ganun pa rin ang mensahe nun.
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully