⌛68th Hunt: His Confessions
♕Payne's POV♕
Tahimik na kami ni Deo nung pabalik na kami sa chateau. Hindi kasi ako mapakali doon sa sinabi ng matandang babae kanina. Ano yung ibig niyang sabihin?
"We're here." Nakangiting binuksan ni Deo yung pinto para sa'kin.
"Zelle..." Sambit ko sa tunay niyang pangalan. Tumango siya at hinawakan niya yung ulo ko.
"Walang ibang makakaalam na ikaw si Payne." His assuring smile made me feel at ease.
"Thank you." Ngumiti na din ako tsaka ako pumasok sa malawak na living room ng chateau.
Nadatnan kong nag-aalitan sina Dyvon at Luhann doon.
"Hindi nga ako sumama sa babaeng yun!" Sigaw ni Luhann. Dumadaan ako sa kanila.
"Eh bakit kayo magkadikit nung dumating ako, ha?! Wag mo na'kong gawing tanga!" Balik-sigaw naman ni Dyvonn. Grabe ang tinis ng boses niya.
"Hindi ko nga alam kung paanong nandun siya. Hindi ko nga kilala yun, eh. Ba't ba ayaw mong maniwala sa'kin?" Mukhang pagod na si Luhann. Kanina pa yata sila nag-aaway.
"Dahil punung-puno na'ko sa'yong lalaking malanding haliparot ka!" Binato ni Dyvonn yung cusions sa kanya at tumama iyon sa mukha niya. Padabog itong lumabas gamit ang main door.
"Dyvon! Teka!" Sumunod naman siya doon. "Huminto ka nga!"
Napailing na lang ako't bahagyang natawa. Nag-e-LQ ang dalawa dahil sa pagseselos ni Dyvon. Hahaha!
Si Deo na daw ang maglalagay ng mga stocks sa ref at cabinet kaya dumiretso na'ko sa crystallized portion ng chateau. Yung puro glass ang pader at bubong. Ang ganda kasi ng ambiance dun eh.
Kalmado akong humakbang patungo sa parteng iyon at napahinto na lang ako nang makita ko ang likod ng isang lalaking nakaupo sa malapad at malambot na sofa.
Muli akong humakbang at lumapit pa sa kanya.
Tumigil ako sa tabi ng sofa at kasabay nun ang paglingon niya sa'kin. Hindi gaya ng dati, maaliwalas pa rin ang mukha niya ngayon kahit ako na ang nakaharap sa kanya.
"Oh, Payne." Bahagya siyang ngumiti at tinapik niya ang bakanteng parte ng sofa sa tabi niya. "Upo ka."
Taliwas sa karaniwan kong nararamdaman noon, hindi na nagwawala ang laman loob ko. Medyo kinabahan lang ako pero bukod pa dun, wala na akong iba pang nararamdaman.
Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. Agad kong diniretso yung tingin ko sa bubong kung saan tanaw na tanaw ko ang palubog nang araw.
"Handa na'kong makipag-usap ulit sa'yo, Payne." Mahina niyang pahayag at narinig ko ang malalim niyang paghinga.
Hindi ako sumagot.
Tungkol saan naman pag-uusapan natin, Khai? At para ano pa?
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully