⌛63rd Hunt-Pt.2: Arcane Chateau and Efflorescing Forest

1.2K 47 0
                                    

63rd Hunt-Pt.2: Arcane Chateau and Efflorescing Forest


Payne's POV

"At bakit mo ako dinala sa kagubatang ito?" Taas-kilay kong tanong kay Chiro habang naka-ekis pa ang mga braso ko.

"Dahil gusto ko." Sagot niya habang patuloy pa rin sa paglalakad sa kalagitnaan ng gubat.

"Edi uuwi na'ko." Inis kong sabi sabay talikod para sana umalis na pero bigla niyang hinawakan yung braso ko kaya hindi ako makaalis. "Bitiwan mo'ko!"

"Hindi mo'ko sakop."

"Ano?"

"Maganda sana kaso shunga." Nagbuntong-hininga siya at hinigit niya'ko papalapit sa kanya. "Pagsisisihan mo 'pag umalis ka."

"Tinakot pa'ko. Tsk. Bitiwan mo na'ko sabi!"

"Hindi ako taga-Ydrasil kaya hindi mo'ko pwedeng utusan." Pagmamatigas niya at kinaladkad niya'ko papasok pa sa gubat.

"Anuba! Uuwi ako! Isa!"

"Dalawa, tatlo, apat, lima." Ayaw talaga niyang tumigil! "Pakipot ka pa eh gusto mo rin naman akong makasama."

"Aba! Feeler ka lang talaga!" Tinabig ko kamay niya pero wa-epek pa rin. "Bakit mo nga ba kasi ako dinala dito eh!" Grabe! Dinala mo lang ako dito kasi GUSTO MO?! Hindi mo man lang inisip kung GUSTO KO RIN BA?!

"Kasi nga gusto ko. Paulit-ulit—"

"Kasi GUSTO MO?! Yun lang?! Hindi mo man lang ako inisip?! Sarili mo lang iniisip mo! Walang'ya ka talaga Chiro!" Hinampas-hampas ko yung braso niya kaya nabitawan niya'ko. "Nakakainis ka!" Gigil ko siyang sinipa sa binti pero ang tigas talaga niya, ni hindi man lang siya nasaktan! "Sobrang nakakainis ka na!"

Sa tingin ko namumula na'ko dahil sa galit!

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Kunot-noo niyang tanong habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Saglit akong natahimik.

Bakit nga ba?

"Kasi sarili mo lang iniisip mo! Ang selfish mong tao, Chiro!" Bakit ba ako naiiyak?! Letche!

"Tumigil ka oy." Hinawakan na naman niya ang kamay ko pero buong pwersa akong kumawala at dali-dali akong tumalikod at umalis. Babalik na talaga ako sa Arcane Chateau! Hindi ko na gusto dito!

Nakailang hakbang na'ko. Hindi niya na'ko sinundan.


Peste talaga siya! Kita mo na? Pinabayaan na nga lang niya'ko oh! Tsk!


Pero bahala na. Matira na lang ang matibay sa'ming dalawa!


Akala mo naman siguro magpapa-under ako sa'yo noh, Chiro?! Umasa ka naman! Prinsesa ako, PRINSESA! At pwede kitang ipakulong dahil sa mga pinaggagawa mo sa'kin! Pwede kitang ipatapon sa selda at ipakain sa leon o pwede ring ipapugot ko 'yang ulo mo sa harap ng maraming tao!


Gwapo ka naman talaga sana! Kaso bwisit ka! Peste ka! Walang'ya ka at SELFISH ka—


"Hoy Payne!"

Napahinto ako nang isigaw niya ang tunay kong pangalan. Ikinuyom ko ang mga kamay ko at dahan-dahan ko siyang nilingon habang nakatitig na'ko nang matalim sa kanya.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon