⌛59th Hunt-Pt. 2: Southern Mall of Serlande
♕ Chiro's POV ♕
"Tara na, sasamahan kitang kumain." Pamimilit ko kay Duwende habang hinihila-hila yung braso niya. Ayaw pa rin kasi niyang lumabas. Tumahan na nga siya sa pag-iyak pero hindi naman niya ako kinakausap.
Kumawala siya at umiling na naman.
"Putulin ko 'yang ulo mo." Sabi ko sabay upo ulit sa tabi niya. "Duwende... Ano ba kasi ang problema?" Pangungulit ko.
Umiling na naman siya. Hay jusku! Patawarin sana!
"Hindi ka nagugutom?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Nakatitig pa rin siya sa kawalan.
Nababaliw na ba 'tong babaeng 'to? Parang wala siya sa sarili niya.
Oo nga pala, magkatabi kaming nakaupo ngayon sa loveseat na nasa isang sulok ng kwarto niya.
"Hindi ka nauuhaw?" Tanong ko ulit. Gusto ko lang siyang magsalita. Kahit one word lang, basta magsalita lang siya.
Hindi pa rin siya sumasagot.
Napabuntong-hininga na lang ako. Medyo nakakainis na rin. Para akong tangang nakikipag-usap sa adik.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Nilingon ko siya at tinitigan ko ang maputla niyang mukha.
Sa totoo lang, pwede ko naman siyang buhatin at ilabas sa kwartong 'to eh. Pwede kong gawin ulit yung ginawa ko sa cafeteria noon nung una ko siyang nakita. Pero ayoko. Ayoko na ulit gawin yun. Gusto kong magkasama kaming lumabas dito, pero hindi dahil pinilit ko siya kundi dahil gusto niyang sumama sa'kin.
"Uy." Marahan kong sinundot yung kaliwang pisngi niya. "Duwende..." Sinundot ko ulit. Last na... "Pst. Duwende ko."
Pero napakurap-kurap lang siya. Hindi pa rin siya namamansin.
Okay. Baka nakakaistorbo lang ako.
Huminga ako nang malalim at kumawala na'ko sa pagkakahawak sa braso niya.
"Sige. Mukhang nakakaistorbo lang ako sa'yo. Lalabas na'ko. Tawagin mo na lang kami 'pag may kailangan ka." Diretso kong sabi sabay tayo. Tahimik pa rin siya.
Nakakaisang hakbang pa lang ako ay bigla na naman akong napahinto. Hinawakan niya kasi yung kanang kamay ko. Nilingon ko siya nang may pagtataka. Ang gulo talaga ng duwendeng 'to...
"Bakit?" Mahina kong tanong. Hindi ko pa siya hinaharap ulit.
Nakatitig lang siya sa sahig habang unti-unti na namang nangingilid ang mga luha sa mga mata niya.
"Chiro..." Bahagya siyang suminghot tsaka niya inilipat ang tingin niya sa'kin.
Peste. Ano 'to? Bakit ganito?
"Tulungan mo'ko, Chiro..." Nanginginig niyang dugtong at tuluyan nang nahulog ang malalaki niyang luha.
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully