⌛32nd Hunt: Confrontation

1.2K 42 1
                                    

32nd Hunt: Confrontation


Someone's POV ♕

"Kumusta, Eye?" Tanong niya sa'kin.

"Malapit na, mahal na Prinsipe..."

"Mabuti naman. Tinik sa lalamunan ang baliw na 'yon."

"Kailan mo ba ako ibibigay sa Krysanthemum?" Nawawalan na din ako ng pasensya...

"Basta gawin mo na lang ang ipinapagawa ko kung gusto mong makita ulit ang batang lalaking sinasabi mo."

"Sige." Lumuhod ako gamit ang isang tuhod at yumuko, bilang pagpapakita ng respeto at katapatan sa Prinsipe namin.

Ikinumpas niya ang kamay niya kaya tumayo na'ko at tumalikod.

"Eye." Bigla niyang imik. Napalingon ako.

"Po?"

"Ang kamatayan lang ni Khai ang daan para magkita na ulit kayo ng lalaking nagbigay sa'yo ng bracelet noong bata pa kayo."

Tumango ako.

Paulit-ulit?

"Gusto kong maging masaya ka, Eye. Kaya kahit labag sa kalooban ko, handa kitang ibigay. Patayin mo lang si Khai." Seryoso niyang sabi sabay alis.

Nagbuntong-hininga ako.

Dito sa Hidden Faction, Eye ang tawag nila sa'kin. I have keen eyes. Maybe that's why.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang batang lalaking 'yon... Ang nakalaro ko sa isang gubat, sa ilalim ng malaking punong kulay lila ang mga dahon.

Ang batang lalaking nagbigay sa'kin ng pulseras na may crysanthemum na bulaklak sa gitna...

At ang batang babaeng umagaw nun sa'kin...

Ang batang babaeng umagaw sa kanya...


I will kill that girl. Malaman ko lang kung sino siya.


I clenched my fists as I stepped out of that dark and eery place...


But for now, si Khai na muna ang uunahin ko.


Naglakad ako papunta sa estasyon ng tren. Papasok na ako.


Sa Serlande University.






Ruru's POV ♕

Hay naku. Ang lalandi ng dalawang 'to.

"Chiro, teka—"

"Tara na."

"Pero—"

"Isa."

Sina Sehna at Chiro. Ah, si Sehna at si Gwiyomi ay iisa lang. Pero ako lang ang tumatawag ng Sehna sa kanya. Sa susunod ko na ikukwento kung bakit.

Nakaupo lang ako sa isang sulok ng classroom namin habang sumusulyap sa kanila. Sabi ng iba, ako daw yung gusto ni Sehna. Sabi naman ng iba, sila na daw ni Chiro.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon