⌛44th Hunt: Truth Behind Truth

1.2K 39 3
                                    

44th Hunt: Truth Behind Truth


Payne's POV ♕

"Maskman!" Bulyaw ko habang pinipilit niya'kong ipasok sa Astrals Dormitory. "Bakit mo ba'ko dinala dito?! Let me go!"

Baka kung ano gawin niya sa'kin dito! Wala pa namang tao kahit isa oh!

"Sumama ka o mapapahamak ka." Mukhang naiinis na rin siya.

Pero anung magagawa ko? Wala akong tiwala sa kanya!

"Ayokong sumama sa'yo! Anuba!" Kumakawala pa rin talaga ako sa kanya. Paakyat na kasi siya sa hagdan at isasama talaga niya'ko sa kwarto niya!


Juskupo! Baka i-rape ako nito!


"Hindi ako manyak at hindi kita aanuhin. Assuming ka lang." Pahayag niya kaya napahinto ako.

"What did you—"

"Hindi ba't yan ang iniisip mo? Na aanuhin kita? Gumising ka uy."

"EH BAKIT MO NGA BA KASI AKO DINALA DITO?!" Inis kong sigaw. Bwisit! Ako pa ipapahiya niya! TSK!

"May kukunin lang ako tapos aalis na din tayo. Alangan namang iwan kita sa labas, diba?" He answered tsaka niya'ko hinila ulit.

Hindi na'ko sumagot. Mamaya mapahiya na naman ako.


Hayyy naku ka talaga! Humanda ka talaga sa'king lalaki ka!


Pumasok kami sa kwarto niya at namangha naman ako sa nakita ko. Iba 'tong kwarto niya sa inaasahan ko. Napakalinis kasi at organized lahat ng mga gamit. Since he's an assassin, I expected his room to be messy.

"Upo." He pointed the bean bag and he went into a door and entered it.

Uupo na sana ako gaya ng sabi niya pero may nakita akong mga libro sa isang shelf. Katabi nun ang isang spear na mukhang antique.

Parang pamilyar sa'kin ang mga librong yun kaya nilapitan ko.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa shelf at tinitigan ko nang mabuti yung libro. Pantay-pantay na nakahanay ang mga 'yon. Bawat libro ay iba-iba ang volume, pero iisa lang ang title: 'Dragons of Ybragon'. Hanggang lima ang volumes nun.


Dragons of Ybragon..?


Parang nakita ko na ang mga librong 'to dati ah..?


Saan nga ba?


I shook my head. Hindi na'ko dapat namomroblema tungkol sa mga ganitong bagay. I should concentrate on what's happening—

Napahinto ako nang makita ko ang isang end table na victorian yung design. Nasa tabi iyon ng malaking kama.


Ang ganda...


Umupo ako sa gilid ng malambot na kama at hinawakan ko yung end table. Carved kasi ang disenyo nito kaya naaakit ako. Gustung-gusto ko kasi ang mga ganitong gamit.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon