⌛65th Hunt: I am Always With You

1.2K 52 7
                                    

65th Hunt: I am Always With You


__〆( ̄ー ̄ )

Bumaba na si Payne mula sa motor na kinaaangkasan niya kay Khai. Ngayon lang niya nalamang bawat miyembro pala ng Galaxy ay may kanya-kanyang motor. 'Di gaya ni Chiro, normal lang ang pagpapatakbo ni Khai. Kaya nga inabot pa sila ng labing-limang minuto bago nakabalik sa Arcane Chateau. Medyo nahirapan rin siya sa pagbabalanse ng katawan niya kanina kasi rocky road yung daan at hindi siya nakayakap kay Khai. Yun ay dahil hindi sila bati at dahil galit na siya dito. Kaya ayun, habang tumatalbog yung motor, tumatalbog din siya't nagsusumikap na kumapit sa likuran ng motor.

Ilang beses na niyang nilunok ang pride niya para magkaayos sila ni Khai at hindi na niya ulit yun gagawin matapos ng mga sinabi't ginawa nito sa kanya.

Hinintay niyang makababa si Khai sa motor nito at sabay na silang pumasok sa chateau. Nauna pa sa kanila sina Thao at Deo. Si Thao ay agad na sinalubong ni Xiao samantalang si Deo naman ay sinalubong ni Chiro. Malapit na sila sa pinto kaya narinig niya ang mga boses sa loob.

"Okay na ba siya?" Tinig ni Ruru.

"Oo—"

"Nasan siya?! Kasama niyo na ba siya?!" At kilalang-kilala niya ang malaking boses na iyon.

"Oo papasok na siya." Mukha tuloy bumubulong si Deo dahil ang liit ng boses nito kung ikukumpara sa boses ni Chiro.

Binuksan ni Khai ang pinto at sabay silang pumasok doon. Napahinto ang lahat ng taong nasa loob ng chateau at ibinaling ng mga ito ang atensiyon sa kanilang dalawa.

Agad na tumakbo si Nicole papunta kay Khai at sinuri niya kung okay ba ito.

Si Chiro naman, nanatili lang na nakatayo habang nakatitig sa kanya. Hindi niya maintindihan ang emosyong ipinapakita ng mga mata nito. Parang nag-aalala na nagugulat na nagagalit na sari-sari.

"Chiro—"

"SAAN KA BA PUMUNTA?!" Bigla nitong sigaw sa kanya. Ang kaninang hindi mailarawang mukha nito, klarung-klarong galit na ngayon.

"K-Kasi..." Napakagat na lang siya sa ibabang labi niya.

"Diba sabi ko sa'yo 'wag kang aalis?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha?! Bakit ba hindi ka nakikinig?!" Sobrang nagngangalit ang mga mata nito at namumula na rin ang mga tainga nito sa galit.

"N-Nakinig naman ako eh... K-Kaso..." Tila hindi matitigan ni Payne ang mga mata ni Chiro. Natatakot siyang baka tunawin siya nito.

"Kaso ano?!" Mabuti na lang hindi pa ito lumalapit sa kanya. Medyo magkalayo pa silang dalawa kasi nasa bandang pintuan pa lang siya samantalang nasa harap naman ng sofa yung isa. "Kasi ang tigas ng ulo mo!!"

"Bro tama na 'yan." Pigil ni Kris kay Chiro pero sinamaan lang nito ng tingin ang isa.

"Anung tama na?!" Bulyaw nito sabay balik ng masakit na tingin sa kanya. "Paano kung napahamak ka?! Paano kung may mabangis na hayop dun?! Paano kung nasugatan o nasaktan ka?! Ha?! Paano?!"

Nakaramdam siya ng kabog sa dibdib niya. Kanina, natatakot siya kay Chiro. Natatakot siya dahil mukhang kakainin na siya nito sa galit.

Pero ngayon, iba na ang nararamdaman niya. Hindi na galit, kundi isang pakiramdam na kakaiba. Hindi niya 'yon maipaliwanag dahil ngayon lang niya naramdaman 'yon.

"Sorry..." Mahina niyang imik sabay yuko.

"Sorry?! Makakatulong ba 'yan 'pag may nangyari masama sa'yo?!"

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon