⌛47th Hunt: The Guy in the Prophecy

1.1K 43 0
                                    

47th Hunt: The Guy in the Prophecy


Thao's POV ♕


Yuri Grenville...


Yuri?


Grenville?




"Aish!" Sumalpak ang shotgun sa sahig. Umupo ako sa sofa, sa lobby ng dormitory nina Princess Yuri. Hihintayin namin siya dito hanggang sa pumayag na siyang sumama kay Chiro.

"Huy, anung problema?" Puna ni Cilver na nasa tabi ko.

"W-Wala." Nagbuntong-hininga ako.

Hindi ko talaga siya maalala eh. Pero bakit pakiramdam ko nagkasama na kami noon? Ts!

"Sigurado ka?"

Hindi ako sumagot. Napaisip ako.

"Hindi."

"Oh, ano nga'ng problema? Baka matulungan kita. Bawal pa sa'yong mag-isip masyado ah." Paalala niya. Isa kasi siya sa mga doktor ko.

"Si Yuri."

"Grenville?"

"Oo." Tumangu-tango ako.

"Anung tungkol sa kanya?" Nagtaka siya.

"Hindi ko kasi siya maalala, pero parang may kakaiba nung nakita ko siya."

"Kakaiba?"

"Oo. Yung pakiramdam na parang nagkasama na talaga kami dati. Pero base sa memorya ko, ngayon ko lang talaga siya nakaharap eh. Naririnig ko lang pangalan niya dati kasi—"

"Tigil na, Thao." Pag-udlot niya at tiniklop niya yung librong binabasa niya kanina. "Alalahanin mo ang sinabi namin sa'yo. Diba nga iba ang katawang kinaroroonan ng utak mo noon? Ang mga alaalang naiisip mo ngayon ay ang mga alaalang nangyari noong nandoon pa ang utak mo sa katawan ni Darke. Ikaw na si THAO ngayon kaya kalimutan mo na ang lahat ng 'yon." Pagpapaliwanag niya ulit.

"Kahit gusto kong kalimutan hindi ko pa rin naman magagawa yun." Humalukipkip ako at tumitig sa sahig. "Ah, may isa pa akong problema."

"Ano naman yun?"

"Sabi nina Chiro sa'kin, mayroon na daw tayong mga Propesiya. Sino yung sa'kin?" Alam kong para akong tanga ngayon. Ang totoo niyan, hindi ako na-amnesia o nagkasakit sa utak. Mayroon talaga akong mga naaalala pero gaya ng sabi ni Cilver, hindi akong si Thao ang may-ari ng mga alaalang 'yon. Dahil sa brain transplant kaya nagkaganito.

"Ahh... Yun ba..." Napansin kong napatitig siya sa isa niyang braso. "Sinabi mo sa'min noon na..." Huminto siya.

"Na?"

"Na hindi Prinsesa ang makakatuluyan mo. Karaniwang tao at walang dugong maharlika—"

"AAAHHH!!!"

Pumihit kami nang biglang may sumigaw at—

"What the!" May humiwa sa kaliwang braso ko nang dalawang beses! "OTTA!"

Agad kong dinampot yung shotgun ko at itinutok ko 'yon sa tumatakbong babae. Hindi ko siya makilala kasi nakatalikod siya.

"THAO! WAG!" –Cilver

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon