⌛41st Hunt: Goodbye...

1.1K 40 4
                                    

41st Hunt: Goodbye...


Chiro's POV ♕

Tumakbo ako nang tumakbo sa hallway hanggang sa nakarating na'ko sa room 106.

Pinindot ko ang isang button sa access sphere kaya agad na bumukas ang pinto.

Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Renzo Carlo na nakaupo na sa tabi ni Yuri habang wala na siyang damit pang-ibabaw. Mukhang wala na ring damit si Yuri pero natatakpan ng kumot yung katawan niya.

"RENZO!" Tama nga ako! Si Yuri nga yung babae!

Humakbang ako nang malaki papalapit sa kanya at sinuntok ko siya sa mukha! Bwisit!

"Gagu! Black assassin!" Ptcha! Hidden Faction!

"Argh! Sagabal!" Sinuntok din niya'ko pero nakailag ako.

Sa sobrang galit ko ay sinakal ko siya at inihiga sa tabi ni Yuri tapos pumatong ako sa kanya.

"Sabihin mo. Sino nag-utos sa'yo?" Nanggigigil pero kalmado kong tanong sa kanya.

Pumipiglas siya pero dahil nakapatong ako sa kanya, wala siyang magawa.

"WALA!" Sigaw niya na tila nauubusan na ng hininga.

"SINO."

"W-Wala nga!"

Hinigpitan ko pa ang pagkakasakal ko sa kanya kaya napadaing siya nang malakas.

"SINO ang PINUNO ng Hidden Faction?"

"H-Hindi ko a-alam!" Pagmamatigas niya.

"Hindi mo alam?" Matiim kong tanong.

"P-Pangako! Hindi ko a-alam!" Umiling-iling siya.

Nagbuntung-hininga ako at pinakawalan ko siya. Tumayo na din ako at bumaba sa sahig.

"Geh." Tinuro ko ang bintana. "Dun ka dumaan."

Umuubu-ubo siyang tumayo at tumakbo papunta sa nakabukas na bintana.

Patatakasin ko naman sana siya eh.

Kaso nakita ko ang tattoo sa likod niya.


Bilog na may mata sa loob.


"Hidden Faction." Bulong ko sa sarili ko.

Tumalim ang tingin ko sa kanya at bago pa man siya makalabas sa bintana ay sinipa ko na siya nang malakas kaya ayun, lumipad siya at nahulog.


Wag kang mag-alala. May pool sa baba kaya dun siya babagsak.


Lumapit ako sa bintana at tinignan ko si Renzo Carlo na lumulutang sa pool sa baba—

"AAAHHHH!!!" Biglang sigaw ni Yuri kaya napalingon ako—

The fck?!

"Hoy!" Tumakbo ako papalapit sa lalaking nakapatong na ngayon kay Yuri at sinusubukan niya siyang halikan!

"Tulong! TULONG!!!" Humahagulgol na sigaw ng Prinsesa kaya naman pwersado kong hinila yung lalaki at bumagsak siya sa sahig.

"Anuba!" Bulyaw ko sabay sipa sa lalaki. Tinakpan niya ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon