⌛33rd Hunt: Puzzle
♕ Payne's POV ♕
"Teka, Thao, saan ba kasi tayo pupunta?" Hinihila na naman ako ni Thao. Lagi na lang niya akong hinihila. Palibhasa kasi close na kami.
"Bastaaaa."
"Eeeeh! Sabihin mo muna, sige na!" Kumakawala ako sa kanya. Mamaya kasi lumagpas na naman kami sa boundaries!
"Tuturuan kitang bumaril, tara."
Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya! BARIL?!
"Hindi! Ayoko! Ayokoooo!" Pumadyak-padyak ako sa semento at nilakasan ko yung pagpipiglas mula sa hawak niya! "Ayoko—"
"Thao! Bitiwan mo siya!!" Biglang may sumigaw mula sa likuran ko at may malakas na lagpak akong narinig and when I looked at Thao, he's already lying on the ground!
"Thao!" I exclaimed sabay akmang lumapit sa kanya pero may humila sa'kin! "Anuba—"
"Tumigil ka na nga, Yuri! Ano ba talagang plano mo?!"
"Khai!" Gulat kong sambit sa pangalan niya.
"Akala ko ba ginagawa mo ang lahat para maging tayo! Bakit sama ka ng sama sa kanila!" Inis na inis niyang sigaw sa'kin.
"KHAI! WAG MO SIYANG SIGAWAN!!"
At may namatahan na lang akong paang malakas na dumapo sa mukha ni Khai ko!
"Waah!!" Sigaw ko sabay pigil kay Thao! "Tama na, Thao! Tama na!"
"Nababaliw na yan! Magkaibigan tayo, diba, Khai?! Bakit ka ba nagkakaganyan?!"
MAGKAIBIGAN SILA?!
"Dahil sa'yo!" Dumura ng dugo si Khai. Napapagitnaan nila'ko. Sengtsu! Nagkakasakitan na sila! "DAHIL SA INYONG LIMA! MGA BWISIT!"
Nag-akma na namang sumuntok si Khai pero niyakap ko na lang siya nang mahigpit.
"Kumalas ka Yuri! Papatayin ko ang lalaking 'to!" Galit na galit na singhal ni Khai.
"Hindi mo kaya!!" Galit na din si Thao!
Otta!
Nakakatakot nga din palang mapikon si Thao!
SILA PA TALAGA ANG NAG-AAWAY NGAYON!
Patay ako nito!
"Leche!!" Pwersadong kumawala si Khai mula sa pagkakayakap ko kaya naman nabitawan ko siya at napatihaya ako sa matigas na semento!
"Aray!" I uttered. Bakit ba lagi na lang akong napapatihaya?! Huhuhu!
"Yuri!" –Khai
"Yuri—"
"Layo!" Tinulak ni Khai si Thao.
"Ikaw ang lumayo!"
"Anung—"
"OMG! Princess Yuri!" May dalawang babaeng lumapit sa'kin at tinulungan nila'kong tumayo.
"Alexanria, Katara..." Salamat naman at dumating kayong dalawa! "Ilayo niyo ako sa kanila, please..." Naluluha kong pakiusap sa kanila.
"Sige!"
"Yuri! Teka—" -Khai
"Natakot na siya sa'yo!" -Thao
"Peste! Ikaw nauna!"
"Umalis ka na nga!"
"Ikaw umalis!"
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully