⌛57th Hunt: Goodbye Maskman
♕ Payne's POV ♕
"Chiro?" Hinawakan ko ang mga pisngi niya habang walang malay siyang nakabulagta sa kama niya. "Uy, Chiro!" Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko dahil sa kaba at takot. Tinapik-tapik ko ang kanang pisngi niya pero hindi pa rin siya gumigising. "Chiro naman eh!"
"Tama na yan, Princess Yuri." Bigla akong hinila ni Zuho kaya napalayo ako kay Chiro.
"Anuba! Bitiwan mo ako! Kailangan niyang gumising!" Nagpupumiglas ako na parang pusa.
"Hindi siya magigising kahit ano pa'ng gawin mo!" Sigaw ni Baekyoon kaya naman natahimik ako't napahinto habang nakatitig nang hindi makapaniwala sa kanya.
"A-Anung sabi mo?" Naramdaman ko ang biglang pagbalot ng lamig sa buong katawan ko. He didn't mean something like...HE'S DEAD, right?!
"Mas mabuti pa sigurong lumabas ka na muna, Prinsesa. Susubukan namin siyang gisingin at babalitaan ka agad namin." Sabi ni Zuho.
Kumabog ang dibdib ko. Biglang nagwala ang puso ko.
"Pero—"
"Please, Princess Yuri. Nakikiusap kami, lumabas ka na muna."
"Tara na, Prinsesa, at may ipapakita ako sa'yo." Bigla namang sumulpot sa likuran ko si Kris at hinawakan niya ang kaliwang pulsuhan ko.
Hindi na'ko umangal pa. Sumama na lang ako sa kanya. Hindi ako umiiyak pero ang hina-hina ko ngayon.
Umupo si Kris sa malapad na sofa at hinigit niya'ko kaya napaupo na rin ako sa tabi niya.
"Ang puso mo." Mahinahon niyang imik sabay lingon sa'kin nang nakakunot ang noo.
"H-Ha?" Natataranta kong sagot.
"Nandyan na ba si Chiro?"
Natahimik ako saglit. Bakit kaya niya naitanong yun?
"A-Ano?"
Bigla siyang ngumisi at tumingin sa TV.
"Wala. Sabi ko, ingatan mo 'yang puso mo at baka magka-heart attack ka."
"Nag-aalala lang ako, Kris."
"Alam ko. Kita ko." Hinawakan niya ang ulo ko at tinitigan niya ang mukha ko nang may seryosong ekspresyon. "Bakit ka ba kasi nandun sa kwarto niya? At anung nangyari?"
Napalunok ako. Hindi na'ko magsisinungaling dahil may witness rin naman.
"Gusto ko siyang patayin." Diretso kong sagot sabay yuko. A foolish thing to ever do...
"Ano? At bakit?" Unti-unti niyang inalis yung kamay niyang nakahawak sa ulo ko.
"Mahirap ipaliwanag." Nagbuntong-hininga ako. Ayaw kong ipaalam sa iba yung tungkol sa propesiya.
"Well, whatever the reason is, you should stop." He sighed and took something from his pocket.
"Why?" Kumunot ang noo ko. I have my own reasons and you have no say about it.
"Tignan mo ang retratong 'to." Iniabot niya sa'kin ang phone niya at agad ko namang nakita ang picture namin ni Chiro.
Sa picture, walang malay na nakahiga sa sahig si Chiro habang walang malay naman akong nakapatong sa kanya. Parang nakadapa ako sa kanya, yung ulo ko ay nakahiga sa bandang dibdib niya, at nakayakap siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully