⌛End of Part I

2.9K 68 32
                                    


End of Part I


__〆( ̄ー ̄ )

Nakapuwesto na si Khai sa gitna ng napakalaking Royal Arena. Kinikiskis niya nang bahagya yung apakan ng sapatos niya sa manipis na layer ng buhangin na nakakalat sa buong arena. Sementado ang sahig pero may ikinalat na puting buhangin doon.

Nasa tabi niya sina Deo, Chen, at Baekyoon, at nasa likuran nilang apat ang dalawang daang Krysanthemum Royal Army soldiers. Dala-dala ng mga ito ang kani-kanilang mga bakal na panangga na may tatak pa ng Kaharian ng Krysanthemum at mahahabang espadang bagong hasa.


Kanina pa siya nakahawak nang mahigpit sa broadsword na paborito niyang gamitin. Kanina pa siya naaatat sa labanan nila ng nag-iisa niyang karibal sa puso ni Payne.


"Nandyan na sila!" Sigaw ng commander ng mga sundalo nila.


Agad silang napalingon sa kaliwang pasukan ng arena.


Nakita nila ang mga sundalong naka-kulay pula na may halong ginto. May tatak na dragon ang bawat bakal na nakatakip sa buong dibdib ng mga ito. May bakal ring helmet ang mga ito at ganun din ang nakatakip sa mga binti't siko ng mga ito. Bitbit din ng mga ito ang kani-kanilang kulay gintong panangga at mahahabang sibat na bagong hasa din ang mga talim.


Napangiwi ang panig nina Khai nang tumama ang sikat ng araw sa panangga ng mga taga-Ybragon. Masakit kasi iyon sa mata dahil sa sobrang liwanag.


Dalawang daang sundalo din ng Ybragon ang pumasok sa arena. Dalawang daan lang talaga ang pwedeng dalhin dahil 'yon ang nakasulat sa Royal Arena Battle Rules. Bawal ding gumamit ng baril at pana.


Humati sa dalawa ang mga sundalo ng Ybragon kaya nagkaroon ng espasyo sa gitna nito. Doon naman dumaan si Chiro at kasunod nito sina Ruru, Luhann, at Kris.


Hawak-hawak ni Chiro ang dalawang matatalim na katana habang tumutungo ito sa nakatakdang puwesto.


"Handa ka na ba, Chiro?" Matiim na tanong ni Khai kay Chiro matapos nitong pumuwesto sa harap niya.

"Handa na. Eh ikaw?" Nakangisi nitong sagot sa kanya na ikinainis pa niya.

"Sa totoo niyan hindi na'ko makapaghintay na dagdagan 'yang mga sugat mo." Gigil niyang sagot dito.

"Okay lang. Pagaling na rin naman ang mga 'to. Pwede nang palitan ng bago." Nakangisi pa rin ito kaya nag-init na ang mga tainga niya.

"Magiging akin si Payne!" Bulyaw niya sabay angat ng kamay niyang may hawak na broadsword.

"Naging sa'yo na siya. Pero sinaktan mo siya't pinabayaan! Kaya hindi na ulit mangyayari yun!" Balik-bulyaw ni Chiro sabay posisyon ng mga kamay niyang may hawak na katana sa kaliwa't kanan niya.

"Wag kang magpakakampante!"

"Lalo ka na!"


Nagtagis ang bagang ni Khai dahil sa ayaw magpatalong si Chiro.


"Sinungaling! Walang isang salita!" Sigaw niya sabay takbo paabante. Nakahanda na siyang lumaban.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon