⌛55th Hunt: Inseparable
♕ Payne's POV ♕
Nakaramdam ako ng kung anong dumadampi sa noo ko.
Parang ang kumportable din nitong hinihigaan ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at napangiwi ako dahil saktong sa nakabukas na ilaw agad ako napatitig.
"Ugh." I muttered as I rubbed my eyes.
"Princess Yuri. Are you okay?" May isang babaeng nagsalita sa tabi ko.
"Mukha ba akong okay?" Napasinghap ako at dahan-dahang bumangon.
"Tulungan na kita..." Malumanay niyang sabi sabay hawak sa braso ko at inalalayan niya'kong sumandal sa headboard ng victorian bed na kinaroroonan ko. Nasa Royal Manor na pala ulit ako... At nandito ako sa kwarto ko.
"Aray..." Ungol ko sabay higit sa braso ko hinahawakan ni... Gwiyomi?
"S-Sorry..." Matamlay siyang ngumiti at tinignan niya yung braso ko. "Marami ka palang mga pasa..."
"Really?" Nabigla ako. Kaya siguro masakit ang buong katawan ko.
Tinignan ko ang mga braso ko pati na yung mga binti at paa ko. Marami nga akong pasa at may mga gasgas din akong nakita.
Kumunot ang mga noo ko sa pagtataka. Ang huli ko kasing naaalala ay yung lalaking sumuntok sa bunganga ko at nung bumagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay.
"Sinaktan pa pala nila ako matapos kong himatayin..."
"They're ruthless."
"They're crazy." Huminga ako nang malalim at sinandal ko na rin ang likod ng ulo ko sa headboard.
"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" Napatingin ako sa kanya. Mukha naman pala siyang mabait... Haay... Ewan ko nga ba kung bakit hate ko siya noon.
Bahagya akong ngumiti at umiling.
"Mamaya na..."
"Tell me if you need anything, Princess." Tinapik niya ang balikat ko at umupo siya sa upuan ng vintage vanity set na malapit lang sa kama ko.
Tumango na lang ako bilang sagot. Napatingin ako sa kawalan at natulala habang iniisip ang mga posibleng nangyari nung nawalan ako ng malay.
Hindi naman siguro ako ni-rape diba?!
Napalunok ako at tinapon ko agad ang ideyang yun. Nakakakilabot!
Sino kaya ang nagligtas sa'kin?
Paano ako nakabalik dito?
Paano nila natalo ang sangkatutak na mga Black Assassins na nandun?
"Gwiyomi..." Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumuwid nang upo at tumingin sa'kin.
"Yes?"
"Actually...I need something..."
"Ano yun?" Hinila niya yung upuang inuupuan niya papunta sa tabi ng kama, kaya nasa tabi ko na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully