⌛5th Hunt: Prophecy

3.6K 105 19
                                    

5th Hunt: Prophecy


Author's POV ♕

Continuation of Flashback...

Sampung taon na ang Prinsesa. Dalawang taon na ang lumipas matapos maging matalik na magkaibigan nina Princess Payne at Prince Zero. Dalawang taon na ang pagsasamahan nila. Dalawang taon na silang masaya.

Isang hapon, pumunta sila sa malinis na ilog na may makukulay na mga bulaklak sa gilid. Syempre, nasa likuran pa rin nila ang mga bantay nila.

Naglalaru-laro ng tubig-ilog si Zero at nakatayo naman sa tabi niya si Payne habang inaamuy-amoy ng Prinsesa ang mga bulaklak na binigay ng batang Prinsipe.

"Payne." Imik ng Prinsipe tsaka nito bahagyang sinabuyan ng tubig si Payne.

"Ayy! Bakit?"

"Wag mong iwawala 'yang bracelet."

"Okay! Hindi ko huhubarin 'to!" Nakangiting itinaas ng Prinsesa yung kamay niyang may bracelet.

"Okay." Ngumiti na din si Zero. "Wag kang maghahanap ng iba, Payne."

"Huh?"

"Tayong dalawa lang diba?" Tanong ng bata.

"Oo..." Inosenteng sagot ni Payne.

"Promise?"

"Promise!"

Nagpinky swear ang dalawang bata.

"Pakakasalan kita paglaki natin, Payne. Magiging King ako at ikaw ang Queen ko." Nakangiting pahayag ng batang Prinsipe tsaka nito hinila ang Prinsesa paalis sa tubig.

"Okay! I will be your Queen!" Masiglang sagot ni Payne.

"Whatever happens?" Huminto sila sa tabi ng butler ni Zero.

"Yep!" Tumangu-tango si Payne.

"Kuya Randel, picture kami ni Payne!" Nakangiting sabi ni Zero sa butler niyang si Randel.

"Okay, Young Prince!" Agad na pumunta sa harapan nila yung butler at itinaas nito ang camera.

Ipinulupot ni Payne ang kanang braso niya sa kaliwang braso ni Zero tapos nagpeace sign silang dalawa gamit yung free hand nila and they smiled brightly.

The camera snapped and the picture was taken.

Instant Film Camera yung ginamit kaya may lumabas agad na developed picture.

Kinuha iyon ni Zero at binigay kay Payne.

"Keep." The little Prince patted the little Princess' head. Tinitigan ng Prinsesa si Zero nang may mga ngiti sa labi tsaka ito tumango.

Inihatid nina Zero si Payne sa Ydrasil at nagpaalam na ang dalawang bata sa isa't isa. Niyakap pa ni Zero si Payne bago ito tuluyang umalis.

Hanggang sa dumating ang isang araw...

Ibinalita sa buong Serlande na nanganganib ang ilang kaharian dahil nakumpirma na ng mga mensahero na sasalakay ang mga taga-Hifrit at taga-Orfell, ang dalawang masasamang kaharian. Kasama sa mga posible nilang sasalakayin ang Ybragon, Octavien, Umberstone, Esphyr, Autumn, Nithron Sea, at Krysanthemum.

Agad na nagpumilit si Payne na pumunta sa Krysanthemum. Kahit bata pa siya ay alam na niya ang maaring mangyari. Bilang royalty, maaga pa siyang namulat sa mga katotohanan tungkol sa mga kaharian.

Isang batalyon ng Ydrasil Army ang kasama niyang pumunta sa Krysanthemum.

Pero wala na silang nadatnang little Prince na nagngangalang Zero. Pati si Zelle, wala na rin.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon