⌛54th Hunt: Galaxy's Forces

1.2K 44 0
                                    

54th Hunt: Galaxy's Forces


__〆( ̄ー ̄ )

Hinilamos ni Chiro yung mga palad niya sa mukha niya. Halos isang minuto din siyang natulala dahil sa impormasyong ibinigay ni El sa kanya.


"B-Bakit ka umiiyak?" Bigla siyang may naalalang bata. Batang babae.


Napahinto siya at napaisip. Hindi niya matandaan kung kailan niya nakita ang batang yun.


"I'm...lost..." Maliit na boses. Yung batang babae. Kinakausap niya yung batang babae pero hindi malinaw ang naaalala niya.

"Wag ka nang umiyak. Tutulungan kita."

"I'm scared..."

"Nandito naman ako eh."


Nasapo niya ang sariling noo. Sumasakit ang ulo niya sa kapipilit na alalahanin kung kailan nangyari ang tagpong yun.

"Uhh, otta. Mababaliw lang ako nito." Iniling-iling niya yung ulo niya tsaka siya nagpatuloy sa misyon niya. "Nasan ka na ba, Yuri—este PAYNE? Grabe...si Payne ka pala. Bwisit! Babawiin kita! Marami ka pang hindi nalalaman!"






----------

"Magsalita ka na, Payne!" Naubos na ang pasensiya ni Yuri sa dating kaibigan. "Kanina pa'ko nagtitimpi ah! Kanina pa kita tinatanong nang paulit-ulit!!"

Hindi natakot si Payne sa galit ni Yuri. Sinamaan lang niya ito ng tingin. Sobrang galit na galit siya dito dahil sa ginawa nito sa kanya at kay Meeka.

"Isang ulit na lang talaga, Payne..." Napasinghap si Yuri at ikinuyom niya ang mga kamay niya. "Sino. Ang. Leader. Ng. Mortal. Scythe... SINO?!" Nanlilisik na ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"HINDI KO ALAM!" Sigaw ni Payne. "WALA AKONG ALAM!"

Inis na itinaas ni Yuri yung kanang kamay niya para sana sampalin si Payne pero inihinto niya iyon sa ere at dahan-dahang ibinaba. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

"I gave you enough chances, you childish crap." Tumayo nang maayos si Yuri at tumalikod sabay senyas sa mga kasamahan nitong babaeng nakasuot din ng cloak at itim na mask. Nasa loob sila ng isang lumang kwarto na wala nang pintura yung mga pader at wala na ring ibang kagamitan sa loob nito maliban sa upuang pinagtalian kay Payne. "Ayaw mong sabihin, puwes, magdusa ka." Madiing dagdag ni Yuri tsaka ito lumabas sa kwarto.

"TRAYDOR KA YURI!!!" Yun na yata ang pinakamalakas na sigaw ni Payne. "YOU WILL PAY FOR THIS!!!" Sinubukan niyang gumalaw pero mahigpit ang pagkakatali sa katawan niya at hindi siya mahiwalay sa upuang inuupuan niya.

Isang papel naman ang biglang dumapo sa kandungan niya. Gulat siyang napatingin doon.

"ANO 'TO?!" Bulyaw niya sa mga babaeng Black Assassins na nasa harap niya.

"Sign it. Live." May isang babaeng kumalas sa taling nasa kamay niya.

Isa-isa niyang binigyan ng matatalim na tingin yung mga babae at tinignan niya nang mabuti ang mga nakasulat sa papel.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon