⌛2nd Hunt: Fairytale

8.2K 175 35
                                    

2nd Hunt: Fairytale


A Woman's POV ♕

"Tapos na po akong magbabath mommy!" Masiglang sabi ni Shun Reo sabay talon papunta sa tabi ko.

"Wow, ambango na ng baby ko!" Sagot ko sabay yakap sa kanya. Obviously, he's my son. The eldest of our two kids.

"Si Sheyin po nandun pa kay daddy." Nakangiti niyang pahayag at maya-maya ay pumasok na ang asawa kong buhat-buhat si Sheyin, ang babae kong anak at ang bunso.

"Mommy!" She exclaimed sabay tabi sa kuya niya. 2 years na mas matanda si Shun Reo sa kanya.

"Yep?" Humiga na rin ang asawa ko sa tabi ko.

"Sabi ng princess natin, ipagpatuloy mo daw yung story ni Zoey Bretton. Nakatulog na daw kasi siya kagabi." Malambing na saad ng asawa kong nakadantay na naman sa'kin ngayon.

"Siya ba talaga may gusto niyan? Baka naman ikaw? Haaaaa?" Tukso ko sa kanya sabay pisil ng ilong niya.

"Kaming dalawa! Haha! Sige na ipagpatuloy mo na!" Sagot niya sabay sandal ng baba niya sa ulo ko. Napangiti ako. Kahit kailan talaga ang touchy nitong asawa ko. Hahaha!

"Oh sige na nga." I retorted sabay pahiga sa dalawa kong anak.

"Yeyy!" Agad na tumabi at yumakap sa'kin si Sheyin. Niyakap naman siya ni Shun Reo. Haha ang cute namin oh.

"Okay... So dun na tayo huminto sa Mansion of Crowns. Nakaharap na ni Princess Zoey Bretton ang limang lalaking Prinsipe ng iba't ibang karahian. Sila ang maglalaban at ang mananalo, yun ang pakakasalan ni Princess Zoey..."

"Pero diba po si Princess Embrae dapat yun..?"

"Yes. Pero diba, nagfavor si Princess Embrae kay Princess Zoey na si Princess Zoey muna ang pumunta sa Mansion of Crowns? Kaya ayun, pumayag si Princess Zoey nang makita niyang nalulungkot ang bestfriend niyang si Princess Embrae."

"Ahhh... Okay po."

"Ang limang Prinsipe ay sina Prince Xeven Ash de Valence ng Ybragon, Prince Flint Cromwell ng Valhassi, Prince Kelvhan Rich ng Octavien, Prince Clarence Lancaster ng Nenuveth, at Prince Arl Silver Forrester ng Elvendra. Lahat sila, gwapo at matatangkad. Lahat sila, Prince Charmings..." Nakangiti kong kwento. Natutulala kasi si Sheyin. Malamang nag-iimagine na naman siya. Hehehe. "Tumira ang limang prinsipe sa Mansion of Crowns kasama si Princess Zoey. Dahil isip-bata si Princess Zoey, siya pa ang unang lumapit sa bawat isa sa mga prinsipe. Unang araw pa lang, nasa malapad silang living room. Una niyang nilapitan si Prince Flint. Nakaupo ito sa tabi ng malaking estatwa habang nakatingin sa kawalan.

" "Hi! Ano pala name mo? Nakalimutan ko kasi." Nakangiting bati ni Zoey kay Flint. Hindi ito sumagot at hindi siya nito pinansin. "Hello! Naririnig mo ba ako?" Ulit niya pero hindi pa rin siya nito pinansin. Dahil nainip na siya, pumunta naman siya kay Prince Kelvhan na nakaupo sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas. "Hi! What's your name?" Masigla niyang tanong sabay tayo sa harap ng Prinsipe. Tinitigan lang siya nito nang walang emosyon... "Hello!" Ulit na naman niya sabay kaway. Pero inirapan lang siya ng lalaki at tumingin na ulit iyon sa labas. "Grabe! Ang suplado mo naman! You're supposed to be nice to me! I'm the one who's supposed to be doing that!" Nakangusong reklamo ni Zoey. Nagbuntung-hininga ang prinsipe at tinitigan siya ulit nito. "Kelvhan is my name." Malamig na sagot ni Prince Kelvhan tsaka nito bahagyang itinaas ang kamay na may hawak na mahabang baril. "Nice enough?" And he glared at Princess Zoey. Dahil sa takot ay napatakbo si Princess Zoey papalayo at hindi sinasadyang nabangga nito ang isa pa sa limang prinsipe."

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon