⌛ Special Chapter Pt. 2

1.2K 40 2
                                    


Special Chapter Pt. 2


I dedicate this chapter to jhochan. Thank you sa laging pagvo-vote sa mga UD ko! <3 I hope you'd enjoy this one as well. ^______^


__〆( ̄ー ̄ )

"Tapos..?" Imik ni Chiro na naghihintay sa idudugtong ni Payne.

"Basta. Sa susunod ko na ikukuwento." Aniya at ilang segundo matapos nun ay huminto na ang Ferris Wheel.

"Tara na." Hindi na siya inalalayan ni Chiro dahil alam na yata nitong hindi rin naman siya magpapatulong.


Lumabas na sila sa area na iyon at tahimik silang naglalakad sa daang nasa gitna ng iba't ibang rides. Nagdadalawang-isip siya kung ano na ang gagawin niya dahil hindi talaga siya sanay na nagtatampo nang ganun sa kasama niya. Pero hindi rin niya maintindihan kung bakit nga ba ganun na lang ang inis niya dito.


"Duwende." Nagsalita na naman ito kaya bumilis na naman ang tibok ng puso niya.

"Ano?" Nakatingin lang siya sa rides na nadadaanan nila.

"Magkaibigan kayo ni Yomi diba?" Tanong nito.

"Oo."

"Nagkukwento ba siya sa'yo tungkol sa kanila ni Ruru?" Follow up question nito.

"Hindi. Hindi kami madalas nag-uusap." Malamig pa rin talaga pananalita niya.

"Ahh... Ganun ba... Sa tingin ko kasi nag-away sila, kaya siya umalis."

Napahinto siya. Napaisip siya sa posibleng dahilan ng pagkawala ni Gwiyomi.

"Baka naman naligaw." Gusto niyang matawa sa ideya niyang yun pero pinigilan lang niya iyon.

"Hindi maliligaw yun." Huminga ito nang malalim. Sinulyapan niya ito at nakita niyang nakatingin lang ito sa kalangitan. "Pero sana mahanap siya nila. Delikado pa rin kasi tayong lahat hanggang ngayon."

"Bakit kasi 'di ka na lang tumulong sa paghahanap?" Medyo inis niyang tugon. Bumalik na naman kasi sila sa ganoong topic.


Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingala sa maliwanag na kalangitan habang nakapamulsang naglalakad kasabay niya.


"Ang totoo niyan..." Nakita niyang lumunok ito dahil gumalaw ang Adam's apple nito.


Hinintay niya ang kadugtong nun. Hinintay niyang sabihin nito ang TOTOO.


Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukang muli ang mga labi nito.


"Ang totoo niyan nagpaiwan ako kanina sa chateau kasi gusto kitang dalhin dito."


At tuluyan nang nagrock-en-roll yung loob-loob ng dibdib niya.


"H-Ha?" Nauutal niyang reaksiyon at awtomatikong nag-init ang buong mukha niya.

"Alam ko naman kasing sa'kin ka pinakaclose. Alam ko ring sasama ka sa'kin sa paghahanap kung sakaling pumayag akong sumama sa kanila. Kung iiwan kita sa chateau, baka mabagot ka lang. Kung isasama naman kita sa paghahanap, baka mapaano ka pa. Ayaw ko namang mapahamak ka na naman nandahil lang sa'kin." Paliwanag nito at dahan-dahan itong lumingon sa kanya.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon