⌛49th Hunt: Days of Calm

1K 35 0
                                    

49th Hunt: Days of Calm


Payne's POV ♕

"Bakit ba kasi galit na galit ka kay Chiro, Princess?" Tanong ni Nicole sa'kin habang pinapahidan ng ointment yung gasgas na natamo ko sa malaking tali noong isang araw.

Ngayon lang kasi ako lumabas mula sa kwarto. Buong araw akong nagmukmok dun kahapon. Hindi nga ako kumain eh—the HARDEST part. At dahil sa pamimilit ng Galaxy, lalo na nina Deo at Chen, lumabas na lang ako kanina. Diretso agad sa kusina.

"H-Hindi ako galit sa kany—"

"Ide-deny pa ba?" Nakangiti niyang kinuha yung band aid mula sa first aid kit. She's really cute and nice...

"Uhh..." I mumbled, not knowing what to say next...

Tinitigan niya ako na parang naghihintay.

"You can tell me anything. I'll keep it confidential." She smiled even brighter.

Ugh! Nicole! Ayokong maging Tomboy!

"It's just...that..." I paused for a while and looked at Chiro who is busy talking to Deo. "He's someone who's meant to take the place of Khai in the future."

Kumunot ang noo niya at bahagyang bumuka ang mga labi niya.

"Anung ibig mong sabihin?"

Napaisip ako't hindi agad na nakasagot. Should I tell Nicole? Should I let her know?

"Si Chir—"

"BWAHAHAHAHA!" Napangiwi ako dahil sa pag-eepal ng isang malakas na halakhak na nagmumula kina Chiro.

Sabay kaming lumingon ni Nicole at nakita namin si Chen na labas-ngalangala na sa katatawa.

"Loko ka talaga Chiro! HAHAHAHAHAHAHA!" Dugtong pa niya na halos hindi na siya makahinga.

"Hahaha. Tapos ano, saksakin natin siya sa puwet. Hahaha." Nabigla naman ako sa sinabi ni Chiro. SAKSAKIN SA PUWET?

"AHAHAHAHAHAHA! Ano kaya hitsura niya kung ganun!" Singit ni Zuho.

"Ayan, edi natawa na din kayo." Nakatalikod si Chiro sa'kin kaya hindi ko makita yung mukha niya...

Pero... Nakangiti kaya siya?

"Andami mo talagang alam Happy Virus!" Nakangising umiling-iling si Ruru.


Ganito pala talaga sila ka-close...


"Happy Virus?" Nagtataka kong tanong kay Nicole. Tumango siya at bumaling na ulit sa mga sugat ko.

"Oo, 'yan ang tawag nila sa kanya. Lagi kasi siyang nangungulit at nagpapatawa."

"Weh?" IMPOSIBLE.

"True." Natatawa niyang sagot at natapos na siya sa paggamot sa'kin.

"Ang grumpy kaya niya lagi!"

"Syempre, kailangan niyang ibahin ugali niya sa Seriun. Lahat naman yata sila nag-iiba ng ugali 'pag nasa labas sila. Alam mo na, assassin matters."

"Andami mo talagang alam tungkol sa kanila, noh?" Nakakainggit tuloy. Gusto ko ring maging close sa Galaxy pero parang anlabo namang mangyari nun...

"Sila naman kasi lagi yung pinag-uusapan namin ni Khai para hindi kami mabagot." May kakaibang ngiting inilikha yung mga labi niya. Ngiting...in love.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon