⌛20th Hunt: Misunderstood

1.4K 56 7
                                    

20th Hunt: Misunderstood


Payne's POV ♕

"Good morning, Princess." I was shocked to hear Maxim's voice. Napalingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng gate ng dorm namin.

"Maxim!" I smiled. Tatlong araw din kasi niya'kong hindi nasusundo. Sabi niya may mga problema lang daw sa dorm nila kaya siya nale-late lagi.

He carried my bag and we started walking.

"Twenty-first fetch. Level three." Nakangiti niyang sabi.

Nung ika-fourteen niyang sundo sa'kin, yun yung dinala niya'ko sa park na paborito niyang puntahan. Naeexcite tuloy ako sa gagawin niya ngayon!

"Pero mamayang hapon mo na malalaman kung ano ang pasabog ko ngayong level three na'ko." Masigla niyang dugtong.

I nodded with a huge smile.

"Okay!"

"Yep. Uhhm, Princess Yuri?"

"Yes?"

"Pwede magtanong?"

"Sure! Ano yun?"

"Si Khai..." Bigla akong napahinto. Khai..? "Ano mo ba siya?"

Hindi ako nakatingin kay Maxim. Napako ang titig ko sa lupa...

Anung...sasabihin ko..?

"Princess?"

"He's..." Napalunok ako't napatitig sa mukha niya... "My bestfriend..."

"Bestfriend?" Gulat niyang tanong. "Bestfriend mo si Khai? Seryoso?"

I gave him a weak smile and I nodded.

"Yes... Pero matagal kaming hindi nagkita and now it feels like he's a different person." I revealed. Natahimik naman siya...

Huminga siya nang malalim at tumingin nang diretso sa daan.

"Childhood friends pala kayo?"

"Yeah... And I'm really trying to maintain our friendship. I miss him at gusto ko rin siyang makasama lagi pero...kasi...nakakatakot na siya..." Malungkot kong paliwanag. It's true... And most of all, si Khai ang mahal ko. Kaya nakakalungkot na bigla siyang nagbago...

I sighed, trying to hold my tears back.

Nakapasok na kami sa maaking gate ng Seriun.

"Uhhmm...Princess..." Mahinang imik ni Maxim sabay pasok ng mga kamay niya sa mga bulsa ng pantalon niya. "Sorry..."

Nagtataka akong napalingon sa kanya.

"Huh..? Sorry saan..?"

He pressed his lips together and stared at another direction.

"Kasi..." Kinamot niya yung likod ng ulo niya. "Narinig yata ni Khai yung usapan natin." Nag-aalangan niyang sabi sabay turo sa likuran ko.

Kinakabahan akong napalingon and I saw Khai, walking away...

N-Narinig kaya niya..?

Sinabi ko pa namang natatakot ako sa kanya!

"Sengtsu..." Wala sa sarili kong bulong sabay takbo pasunod kay Khai. "Max, itext mo na lang ako kung saan tayo magkikita!" Bilin ko.

"Sige."



I ran and ran until I was able to reach Khai's arm.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon