⌛72nd Hunt: Running Away With Him

1.1K 56 4
                                    

72nd Hunt: Running Away With Him



__〆( ̄ー ̄ )

Nakaupo si Chiro sa isang malambot na sofa sa sala ng hideout ni El Lawlite, ang legendary student detective ng Serlande University. Pinapaikut-ikot niya ang isang itim na lapis sa mga daliri ng kanang kamay niya.

Sinusubukan niyang 'wag mag-isip ng kahit na ano. Nakakapagod din daw kasi kapag laging may iniisip. Lalo na yung mga bagay na hindi na dapat isipin.

Mabilis na umikut-ikot yung lapis at nakatuon lang doon ang buong atensiyon niya. Blangko lang ang isipan niya pati na yung mukha niya.


Wala si El kaya napakatahimik ng bahay kung saan siya naroroon.


Naudlot ang kapayapaan nang biglang nagring yung cellphone na nasa kaliwang kamay niya. Nadistract siya kaya naman natigil ang pag-pen spin niya at nalaglag sa sahig yung lapis.


"Tsk." Nakabusangot niyang tiningnan yung screen ng phone niya at nakita niya ang pangalan ng kapatid niyang si Ruru.

["Bro!"] Pasigaw na salubong ng boses ni Ruru sa tainga niya.

"Aray—letse!" Nakangiwi niyang hinipu-hipo yung tainga niya. "Ano ba'ng kailangan mo?"

["Buksan mo yung S-Pad mo at i-track mo kung nasaan si Yuri Grenville. Umalis daw siya sa Manor kaninang madaling araw at pumunta sa Seriun."] Normal na pananalita nito—

"Ano?!" Teka—tama ba yung narinig ko?!

["Hindi ako nainform na bingi ka pala."] Nagbuntong-hininga si Ruru sa kabilang linya. ["Maghanda ka na. Papunta na rin kami diyan."]

"Sige, maghahanda na'ko." Pinakalma lang ni Chiro yung boses niya.


Pero yung totoo...


"AISSSHH! PAYNE!!!" Sigaw niya at awtomatiko siyang napatakbo papunta sa kwarto na binigay ni El sa kanya.


Ano na naman ba ang naisip ng duwendeng yun?!


Nagmumura niyang kinuha yung S-pad niya at nagsuot siya ng puting mask at ng tinatawag ng Mortal Scythe na operational coat. Ang operational coat na 'yon ay pwedeng lagyan ng baril at kahit na anung armas maliban na lang dun sa sobrang mahaba at sobrang mabigat.


Dali-dali niyang ipinasok ang isang shotgun, isang katana, at limang handgun sa coat niya at tumakbo na siya palabas ng hideout ni El.


Binuksan niya ang S-Pad at pinindot ang tracker app na ang Mortal Scythe lang ang maaaring magkaroon. Tinignan niya ang kulay gray na arrow. Yun si Payne.


Itinuturo ng arrow ang Main Gate ng Serlande University. Papasok pa lang ang Prinsesa.


Mabilis siyang naglakad papunta sa Main Gate at tinanggal niya yung mask niya. Ipinasok niya 'yon sa bulsa ng pantalon niya. Tinanggal niya 'yon hindi dahil ayaw niyang ma-identify siya ng Hidden Faction bilang White Assassin kundi dahil naalala niyang ayaw pala ni Payne na sumusuot siya ng kahit na anong mask.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon