⌛60th Hunt: Confusion

1.2K 48 4
                                    

60th Hunt: Confusion


Chiro's POV

Napangiti ko habang tinititigan ang retrato namin ni Yuri—I mean PAYNE. Yung pinakahuli talaga yung paborito ko eh. Paano ba naman kasi, ang kyut-kyut ng reaksiyon niya nung hinalikan ko yung pisngi niya. Namimilog talaga yung mga mata niya at nakanganga pa siya ah. Hahaha!

"Maitago na nga kita." Bulong ko sa retrato at ipinasok ko iyon sa loob ng isang malaking chest na nasa paanan ng king-sized kong kama.

Hindi naman nagalit si Payne nung hinalikan ko siya. Hinabol lang niya'ko at binatukan kasi naman nabigla daw siya sa ginawa ko. Pero hindi siya nagalit kaya okay kami ngayon.

Sa totoo nga niyan, lagi na kaming magkasama.

"Huy! Para kang engot na ngumingiti mag-isa diyan!" Biglang sumulpot sa likod ko si Luhann.

"Paki mo?" Nakangiti pa rin ako.

"Umamin ka nga, bro. Ikaw ba, naiinlove ka na dun sa duwende MO?" Diniinan pa ang 'MO' ah.

"Bakit mo ba kami pinakikialaman ng duwende KO." Sagot ko sa kanya sabay lakad palabas ng kwarto ko. Bakit nga pala pumasok sa kwarto ko yung ulol na yun?

"Hoy Virus! May kailangan ako eh!" Tumatakbo niyang sigaw. Nakalabas na'ko ng kwarto.

"Bahala ka." Hindi ko siya nilingon. Malaki akong humakbang kaya medyo matagal pa bago niya'ko nahabol.

"Ano yung password sa wifi?" Tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at dumiretso lang ako sa paglalakad.

"Ulo mo."

"Seryoso nga! Hindi ako maka-connect!"

"Itanong mo sa pagong!"

"Tulog pa si Luci!"


Hindi na'ko sumagot. Ano daw sabi niya? Anung konek ni Luci—ah, si Luci yung pagong? Haha gago talaga 'to.


"Itanong mo sa iba!"

"Hindi rin nila ako sinasagot!"

"Bakit ka ba naninigaw! Sakalin kita diyan eh!" Nakaangil pero pabiro kong sigaw sa kanya. Nasa Dining Hall na pala kami.

"Sabihin mo na kasi!" Sinuntuk-suntok pa niya yung braso ko. Bwisit 'to! Yung sugat sa likod ko kumikirot!

"Yung sugat ko! Hunghang!" Sinapak ko siya at sa wakas sinabi ko na din ang password ng wifi. "yurimaliit987."

"YES!" Agad siyang nawala sa paningin ko. Haaaay! Baliw talaga mga tao dito. Haha!


Bigla kong namatahan si Payne. Busy siya sa pagkain sa mesa, ni hindi nga niya napansin ang pag-iingay namin ni Luhann.


Lumapit ako sa kanya at bigla akong umupo sa tabi niya kaya naman nabulunan siya.






Payne's POV


Napaubo ako!

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon