⌛46th Hunt-Pt. 2: The Third Mark
♕ Chiro's POV ♕
"HELLO?!" Anak ng! "HELLO?!"
Inis na inis kong itinaas ang kamay ko bilang pagkuha ng buwelo at ibabato ko na sana sa sahig yung cellphone ko nang bigla itong nagring.
Matalim ko itong tinitigan at nakita kong si Thao pala ang tumatawag.
"Bakit?" Patanong kong sagot.
"Nasan ka na? Ikaw na lang wala dito."
"Ang letseng duwende."
"Dwende? Sino—"
"Balik kayo sa Zefirelli, isama mo si Khai. Sabihin mo sa kanya mamamatay na si Yuri Grenville."
"Seryoso?"
"Tunog nagbibiro ako? Magkita tayo sa East Train Station ng Zefirelli."
Pinatay ko ang tawag at tinawagan ko ang telepono ng West Royal Manor.
Limang beses na nagring, tapos may sumagot na.
"Sino 'to?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"Si Terrence, nandyan?"
"Si Chiro yata." Narinig kong imik ng boses.
"Akin na." Isa pang boses. "Chiro. Bakit? May problema b—"
"Terrence. Nasa panganib si Yuri Grenville. Magkita tayo sa East Train Station ng Zefirelli. Bilisan niyo."
"S-Sige."
May pag-aalinlangan sa tono ng boses ni Terrence.
Bakit kaya?
♕ Payne's POV ♕
"Salamat po." Pagpapasalamat ko sa matandang lalaking nagpapatakbo sa kabayo. Ngumiti lang siya at umalis na din agad.
Oo, sumakay ako ng kabayo. Malayo kasi ang entrance ng Lighthouse mula sa sentro ng Thranquil kaya kinailangan ko pang magrenta ng kabayo para makarating dito.
Nagvibrate na naman ang phone ko.
Unregistered number..?
Nagtago ako sa gilid ng malaking gate tsaka ko sinagot ang tawag.
"Hello?" Pabulong kong sambit.
"Nasa Thranquil ka na?" Tunog hinihingal.
"S-Sino ka?"
"Khai."
Napalundag ang puso ko!
S-Si Khai! Tinawagan ako ni Khai!
"O-Oo!" Buong sigla kong sagot.
"Papunta na kami. Malapit na kami. 'Wag kang magpapahuli."
The call ended.
Napatitig ako sa phone ko nang may matamis na ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Serlande University: Hunting Assassins
RomanceWhen Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully