⌛39th Hunt: PTSD

1.1K 38 0
                                    

39th Hunt: PTSD


Payne's POV ♕

Ilang araw na ang lumipas matapos akong bisitahin ng Galaxy. Ampangit pa ng nangyari nung araw na yun. Namanmanan na naman kami ng Hidden Faction. May assassin na nagpanggap bilang nurse at pumasok siya habang natutulog ang kalahati ng Galaxy at busy naman sa pagkalikot ng mga phones nila yung natitirang kalahati. Humingi ako ng tulong para kalasin niya yung tali pero imbis na tulungan niya'ko ay palihim siyang dumukot ng patalim mula sa bulsa ng damit niya at isasaksak na sana niya yun sa'kin. Hindi ko alam kung ano yung nangyari pero bigla na lang siyang nangisay-kisay at nawalan ng malay. I dunno who shot or hit her kasi pagtingin ko sa Galaxy parang lahat din naman sila nabigla sa nangyari. But then, kinailangan nila akong itakas at ilipat sa ibang kwarto. Isipin mo ah, andami-dami nilang nakaalalay sa'kin. Haba naman ng hair ko nun!

At kahapon naman may tumurok naman ng lason sa IV ko. Buti na lang dumating agad si Cilver at natulungan niya'ko.


Kanina...napapayag ko na din silang papuntahin nila'ko kina Khai at Thao...


And now I understand why they tried to stop me from seeing them...


Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang patuloy akong humihikbi sa labas ng ICU kung saan naroroon si Khai.


Nakita ko na siya sa wakas, pero hindi ko siya nahawakan ko nakausap. Hindi kasi ako pwedeng pumasok sa loob ng room niya. Wala pa rin siyang malay at malala pa rin ang kondisyon niya.


"Can we go now..?" Mahinang tanong ni Nicole sa'kin. Siya kasi ang pinili kong sumama sa'kin dito.

"Y-Yeah..." Sumisinghot kong sagot.


Tinulak na niya ang wheelchair na sinasakyan ko at lumayo na kami doon...


Nakita ko na din si Thao kanina...


He looks way worse than Khai...


"It's...all m-my fault...r-right..?" I sobbed as I asked Nicole...

"Gusto mo bang pagaanin ko loob mo o magsabi ako ng totoo?" She asked with a soft voice.

"Truth..." Nahihirapan na'kong huminga sa kahihikbi. Yakap-yakap ko na naman si Meeka.


I heard her sigh heavily and then we entered the elevator...


"Truth is... Princess, sobrang nahirapan si Khai nandahil sa'yo."


Napahinto ako sa sinabi ni Nicole...


"Mula nung nagtransfer siya dito, may sakit na siya. Post-Traumatic Stress Disorder, in short, PTSD. Sakit yun sa pag-iisip na kapag nasasaktan, nalulungkot, nahihirapan, nade-depress o nasi-stress siya, inaatake siya ng PTSD at hindi na niya nakukontrol yung pag-iisip at ginagawa niya."

Yun ba yung nagtatransform siya..?

"Minsan bigla na lang siyang nagsisisigaw. Minsan bigla na lang siyang nambabasag ng kung anung bagay na nakikita niya. Minsan bigla niyang sinasaktan yung sarili niya..." She sighed again... "And there's only one reason, Princess. YOU."

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon