⌛61st Hunt: Memories in the Royal Manor

1.2K 38 0
                                    

61st Hunt: Memories in the Royal Manor


Payne's POV

Nakaupo ako ngayon sa dining hall. Mag-isa lang ako dito dahil tinanghali ako ng gising at tapos nang mag-agahan yung iba. Kaharap ko ang isang plato ng pagkain.

Hindi pa rin ako tapos. Halos isang oras na'ko dito pero hindi pa rin nakakalahati yung nakain ko.

Napabuntong-hininga ako't marahan kong hinilamos yung mga palad ko sa mukha ko.


Jusku naman. Bakit ba hindi pa rin ako mapakali sa nangyari noong nakaraang araw? Bwisit talaga yung Chiro na yun!


Kinuha ko yung tinidor at tinusuk-tusok ko yung ubas na nasa plato ko.


Hayop ka Chiro! Hayop ka! Bakit bigla mo na lang sinabi ang mga 'yon sa'kin?! Bakit mo sinabing pakakasalan mo'ko?!


Bahagya akong napangiwi dahil sa naalala ko. Lagi na lang itong sumasagi sa isip ko. Bigla-bigla na lang. Tapos may iba akong nararamdaman sa tuwing naiisip ko ang sinabi ni Chiro nung nasa white field kami.


Maliban sa sangkatutak na body contacts yung napala ko sa'yo, andami mo pang pinagsasabi sa'kin! Hindi ko na tuloy makalimutan yung mga yun! Anukaba! Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to?! BAKIT CHIRO, BAKIT!


Napaangil ako at napahinto na lang ako nung may mga boses akong narinig.

"Talaga?"

"Oo. Sabi ng doktor nag-iimprove na yung kondisyon ko."

"Mabuti naman. So, libre mo'ko?"

"Oo ba! Bukas, dalhin kita sa Southern Mall."

Nang iangat ko yung tingin ko, agad kong nakita ang pagmumukha ni Khai. Nakaharap kasi siya sa'kin at mukhang nabigla din siya nang mamukhaan niya'ko.

Sinubukan kong ngumiti sa kanya pero agad niyang iniwas yung tingin niya at hinila niya si Nicole papunta sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Nagsimula na din silang kumuha ng pagkain.

Napayuko ako at nabigla ako nang makita ko ang ubas na tinusok ko kanina.


Kawawang ubas, na-massacre.


Umismid ako't nag-eavesdrop sa dalawang nasa kabilang dulo ng mesa. Nagpatuloy na din ako sa pagsubo ng pagkain.


"Yung gamot mo ah, 'wag mong kakalimutan mamaya." –Nicole

"Akala ko ba ikaw na magbibigay sa'kin ng mga gamot ko simula ngayon?" –Khai

"Ay, oo nga pala. Sorry naman. Hehehe."

"Hindi ka pa naman napapagod, diba?" May pag-aalala sa boses ni Khai.

"Napapagod saan?" Nagtatakang balik-tanong ni Nicole.

"Sa...pag-aalala sa'kin?"

Napalunok ako't padabog na sumubo ng pancake. Mga peste.

Serlande University: Hunting AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon