"Nanay ayoko po! Nakakahiya tama na!!" Naiiyak kong pilit tinatanggal ang pagkakahawak ni Nanay Belen saakin. Halos kaladkarin na niya ako makapunta lang sa unahan kung saan may mga lamesa na kung saan may mga naglilista para pipili ng mga modelong maghuhubad. Pilit ko din binababa ang aking suot na maikli at kulay puting bestida na sa tuwing gumagalaw ako ay tumataas.
"Ano ba Kezaay!! Wag mo ko ipahiya at kakalbuhin kita pag di ka sumunod saakin!" Aniyang kinurot ang aking braso. Napa aray ako habang hinahaplos ang aking braso at hinila ako ulit ni Nanay.
Napayuko ako habang nakikita ko ang mga magaganda, matatangkad at makikinis na mga babaeng nakapila. Pinagtitinginan nila kami at kita ang inis sa mga mata nito.
"Sila nanaman?!"
"Ano ba yang si Belen! Lage nalang binibida yang anak-anakan niyang may sayad ata!"
Marami pa akong naririnig pero yumuko na lamang ako at pasimpleng pinapahid ang mga luhang tumutulo.
"Ano ba yan aling Belen! May pila po dito wag kang pumunta kaagad sa unahan!!"
Rinig kong sigaw ng isang babae pero inismiran lang sila ni nanay at tuloy-tuloy sa paghila saakin para makaabot kami sa harapan.
"Andito na anak ko!! Mayor!! Asan po ang naghahanap ng mga modelo?" Sigaw ni nanay pero hinarang kaagad siya ng mga lalaking malalaki ang katawan sa harap.
"Ma'am pumila po kayo ng maayos"
Sabi ng isang lalaking humarang saamin.
"Hindi po ba at naghahanap kayo ng modelo? Itong anak ko kunin ninyo!" Hinila ako ni nanay at pinaharap sa lalaki, napayuko ako.
"Hindi ba at maganda? Mas maganda pa ang anak ko kaysa jan sa mga nakapila!"
"Pero ma'am dapat po kayong pumila kasi may nauna po sa inyo!"
Binitiwan ako ni nanay at galit na galit na hinarap ang lalaki.
"Asan na yang naghahanap ng modelo at yan ang gusto kong makaharap!!" Sigaw ni nanay habang tinutulak-tulak ang lalaki kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso at pinipigil ngunit nagwawala ito at nagpupumilit na gustong makaharap ang kung sino man ang naghahanap ng modelo.
"Nay"
