Bumalik sa alala ko lahat ng ginawa ni Ezekiel para saakin. Ang pagkuha niya saakin kay Nanay Belen.. ang paggulo niya sa buhok ko.. ang pagtatanggol saakin at ang pagpapangiti saakin sa tuwing malungkot ako.. ang boses niya.. ang kanta niya para saakin na dati ay hindi ko pa naintindihan ang ibig sabihin at ngayon ko lang naintindihan.
Tinatakpan ko na ang bibig ko sa paghaguhol. Walang ibang maririnig sa loob kundi iyak.
Napatingin ako sa ina nilang yakap'2 ang bangkay ni Ezekiel habang ang ama niya ay umiiyak din na hinahaplos ang likod ng kanilang ina. Napadako ang mga mata ng ina nila saakin, punong-puno ito ng luha, humiwalay ito sa pagyakap sa bangkay ni Ezekiel at lumapit saakin na humihikbi, nakatingin lang ako sa kanya habang walang tigil ang luha ko sa pag-agos.
Kung sasaktan niya ako ay wala akong pakealam, yun ang akala ko pero isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sakanya.
Umaalog ang balikat nito habang yakap'2 ako kaya mas lalo akong umiyak na gumanti ng yakap sa kanya.
"Wala na ang baby boy ko.." mahina at putol'2 nitong sabi. Hinaplos ko na lamang ang kanyang likod.
Oo! Wala na si Ezekiel.. wala na ang lalaking sandalan ko.. ang lalaking tagapag tanggol at taga salo saakin.. iniwan na ako... bakit ganon? Ang mga taong nagsasalo at nagmamahal saakin ay nawawala? Bakit panginoon? Bakit mo sila kinukuha saakin?
Kumalas ng yakap ang kanyang ina saakin at ibinigay ang brown envelope. Nagtataka ko itong kinuha at binuksan, napasinghap ako nang makita ang marriage contract namin.. hindi pangalan ni Ezekiel ang nakalagay kundi pangalan ni Messiah at sakin.
"Hindi talaga kayo ang ikinasal Keziah.. ang totoo niyan.. pangalan ni Messiah ang inilagay niya dahil alam niyang mahal na mahal mo si Messiah" ang papa nila.