Part 15

34 3 0
                                    


"Anong gusto mong pasalubong mamaya Kezay?" Naka uniporme si Ezekiel. Ang linis'2 niyang tingnan at mas lalo siyang gumwapo. Andito kami sa labas, kasalukuyan akong nagsasampay ng mga damit.
"Hmm tsokolate!"
Tumawa naman si Ezekiel at ginulo ang aking buhok.
"Sige! Ayaw mo ba ng mga bulaklak?" Nakangiti niyang tanong.
Hindi ko pa naranasan mabigyan ng bulaklak. Ngumisi ako.
"Sige gusto ko yung rosas na puti!"
Tumawa si Ezekiel.
"Napaka Inosente mo talaga Kezay! Mag-ingat ka dito!"
Tinatanaw ko ang papalayong Ezekiel. Alas diyes na ng umaga. Maglilinis pa ako sa loob, sinipit ko sa aking tagiliran ang wala nang laman na 'planggana', papasok na ako sa loob nang makita ko si Messiah sa bukana ng pintuan. Nakakurus ang mga braso, di ko siya tiningnan pero nang papasok na sana ako ay iniharang niya ang mga braso sa pintuan. Inis ko siyang tiningnan.
"A-ako na magdadala niyan.." mahina niyang sabi.
"Dadaan ako!"
Kita ko ang paglunok niya at unti-unting ibinaba ang mga brasong iniharang sa daan kaya tuloy-tuloy akong pumasok sa loob.

Hindi ko pinapansin sa buong maghapon si Messiah, pumapasok ako sa loob ng kwarto ko sa tuwing wala na akong gagawin. Ilang beses niya sinubukan na kausapin ako pero hindi ko siya pinagbibigyan. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sakin. Anong karapatan niyang parusahan ako ng ganon? Mas malala pa siya kay nanay Belen kung magparusa. Pakiramdam ko tuloy napakababa ko na talaga.

"Bukas Kezay pupunta tayo sa mansion! Birthday kasi ni papa sa susunod na araw kaya kailangan andon tayo." Si Ezekiel habang nagluluto ng pagkain namin sa gabing iyon habang ako naman ay kumakain ng tsokolate at nasa gilid ko pa ang maputing rosas na dala niya. Nakapunta na ako isang beses sa mansion nila Ezekiel at sobrang laki niyon at ganda pero ang pinaka ayaw ko ay ang mama niya. Nong andon ako ay naranasan kong kurutin ng kanyang mama nong nahuli niya akong umupo sa sofa nila. Pagod na pagod kasi ako non dahil maghapon kaming naglilinis.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon