Paikot-ikot ako sa harapan ng salamin nang halos mapatalon ako dahil sa katok. Sinipat ko ang oras, 4:50pm na pala. Kinuha ko ang perfume at mabilis na inispray sa buong katawan ko. Nakangiti kong binuksan ang pinto ngunit nawala din ang ngiti ko sa nakita. Para akong nanlamig.
"Madame.."
Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya saakin.
"Sinasabi ko na nga ba!! Animal ka!!"
Nanlaki ang aking mata nang dinumog niya ako papasok. Napahiga ako sa sahig.
"Madame tama na po!"
Napaiyak ako nang maramdaman ko ang mahapdi niyang kuko na sumusugat sa aking balat. Hinila niya ang aking buhok, pilit ko sinasangga ang mga sampal at kalmot niya. Punong-puno na ng sugat ang aking braso.
"Tama na po madame.." umiiyak kong pagmamakaawa.
"Punyeta kang mukhang pera!! Pagkatapos ni Ezekiel si Messiah naman! Walanghiya ka! Ang dalawa kong anak pa talaga!!" Sigaw niya at hinila ang aking buhok. Napaiyak ako.
"Itong damit mo!! Ito!!"
Hinihila niya ang strap ng damit ko.
"Madame tama na po.."
"Pera ng anak ko ang pinamili niyan!! Nagmukha kanang tao dahil sa pera ng anak ko!! Ang kapal ng mukha mo!!"
Pilit niyang hinuhubad ang suot kong damit. Umiiyak akong pilit pinipigilang mahubad niya ang damit ko ngunit nang aabutin na sana niya ang aking mukha para makalmot ay naitulak ko siya dahilan para mapa-upo siya. Nakita kong napahawak siya sa kanyang dibdib."Mama!"
