Part 13

38 3 0
                                    


Mag-aalas otso na ng gabi at madilim na sa labas, nakatingin ako sa labas, sa mga nagtataasang mga building at sa maraming mga ilaw sa labas. Di ako makapaniwalang nakikita ko na ang dati ay sa television ko lang nakikita.
"Salamat Kezay ah? At pasensya na din at naabala kita ng husto sa pag-aalaga saakin."
Nilingon ko si Ezekiel. Hindi kami agad nakauwi kaninang umaga dahil paggising niya ay nagka hungover, sumasakit ang kanyang ulo kaya doon muna kami kay Kuya Zam buong maghapon at ngayon na medyo ayos na ang pakiramdam niya ay umuwi na kami.
"Ayos lang Ezekiel noh! Pero sa susunod huwag kana uminom ng madami!" Pinanlakihan ko siya ng mata kaya natawa siya.
"Yes ma'am!" Nag salute pa siya saakin kaya natawa na lamang kaming pareho.
Pagkauwi namin sa Condo niya ay tahimik sa loob. Halos nahuhulog na ang talukap ng aking mga mata, isa at kalahating oras ang biyahe at alas nuwebe na. Di ako nakatulog ng maayos nong isang gabi kaya gustong-gusto ko na talaga makatulog.
Mabilis akong nagtungo sa aking silid at humiga, ilang minuto lang ay mahimbing na akong nakatulog.

Napamulat ako sa mga kamay na humahaplos sa aking tiyan, nanlaki ang aking mga mata nang ma-realize kong nakatali ang aking mga kamay sa magkabilang side ng higaan hubad na ako at may panyo ang aking bibig. Biglang lumukob sa aking sistema ang takot. Ganon ba kasarap ang aking tulog at hindi ko namalayang nagka ganito na ako.
"Bakit hindi ka umuwi?!" Mahina ngunit galit na galit ang boses ni Messiah. Nagkatitigan kami, mapula na mapupungay ang kanyang mga mata at amoy na amoy ko ang alak sa kanyang bibig. Lasing siya!
Ginalaw ko ang mga kamay kong nakatali. "Pakawalan mo ko!" Gusto kong sabihin pero di yun lumabas sa bibig ko. Galit niya akong tiningnan.
"Anong ginawa ninyo ni Ezekiel?! Hindi kayo umuwi kagabi at magkatabi pa kayong natulog! May nangyari ba sa inyo?!"
Dinaganan niya ako at lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot kay Messiah.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon