Tumingala ako, ang dilim ng kalangitan at ang daming bituin..
Sabi nila na ang bituin daw ay mga mahal natin sa buhay na nakagabay saatin.
Pinahid ko ang aking luha, mama.. sana dinala mo nalang ako nong nilisan mo ang masalimuot na mundong ito..
Nakakapagod na mama..
Akala ko masarap ang magmahal pero bakit ang sakit pala?
Ang lamig ng hangin na tumatama sa aking mukha..
"Kezay.."
Hindi ako lumingon kay Ezekiel, naramdaman ko nalang ang jacket na ipinatong niya sa aking likuran at niyakap niya ako.
Mas lalo akong umiyak.
"Iiyak mo lang Kezay.. iiyak mo lang.."
Ilang minuto kami sa ganoon hanggang sa napagod na ako sa pag iyak. Sinandal ko lang ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Umuwi na tayo kezay.. malamig na ang gabi, baka mapano pa ang baby mo.."
buntis pala ako at Di ko na nasabi iyon.
Tumango ako at inalalayan naman ako ni Ezekiel na tumayo at sumakay sa kanyang sasakyan.
Tahimik lang kami ni Ezekiel buong biyahe. Hindi niya ako tinanong kung ano ang nangyari sa pag-uusap namin ni Messiah.
Hindi niya ako dinala sa condo niya, hindi ko din alam kung asan ang lugar na ito pero wala na akong pakealam.
"Pasensya na Kezay kung dito kita dinala.. ang gusto ko lang ay magkaroon ka ng katahimikan.."
Tumango ako at nagpahinga na.
Masakit pa din ang aking dibdib pero wala na akong luha na maiiyak, kahit ang bigat'2 na ng puso ko ay di ko na magawang umiyak."Good morning Kezay!"
Nilingon ko si Ezekiel na malaki ang ngiti habang bitbit ang pagkain ko sa umagang iyon. Tatlong araw na kami ni Ezekiel dito, totoong tahimik ang buhay ko dito.. pero aaminin kong umaasa pa din ako na pupunta si Messiah dito at humingi ng tawad sa akin at aayusin ang relasyon naming dalawa pero wala.. siguro kinalimutan niya na ako.
"Kumain ka Kezay para lumakas ka pa lalo!" Nilagay niya sa harap ko ang pagkain. Ngumiti ako at tumango. Tatlong araw na din ako na andito lang sa loob ng kwarto, hinahayaan lang naman ako ni Ezekiel..
Umayos ako ng upo at tahimik na kumakain.