"Kezay!"
Nilingon ko si Ezekiel na nasa labas ng pintuan ng aking kwarto nakasandal at nakakuros ang mga braso. Kasalukuyan kong inaayos ang aking higaan.
Seryoso ang mukha ni Ezekiel.
"Papasok ako.."
"Sige'2" sagot kong nakangiti.
Pumasok siyang walang bahid na ngiti o ano. Seryosong'seryoso ang kanyang mukha kaya bigla akong kinabahan!
Umupo siya sa aking higaan. Kung dati ay nasa sahig lang ako nakahiga at tanging karton lang ang sapin at matigas pa ang unan dahil galing lang iyon sa mga lumang damit na hinulma ko para may unan ako ngayon ay malambot na at may malambot pang mga unan at kumot.
"Hindi ka ba komportable kay kuya?" Tanong niyang nakatingin sa aking mga mata kaya napalunok ako. Aminado akong hindi ako komportable kay sir Messiah pero hindi ko alam kung bakit parang nagugustuhan ko yung ginawa niya saakin kanina.
"H-hindi naman Ezekiel.."
Napabuga siya ng hangin.
"Napapansin ko kasi na parang naaasiwa ka sa kanya.. wag kang mag-alala aalis din naman siya dito, may sarili naman siyang Condo."
Aniya at ngumiti. Ngumiti din ako.
"Ayos lang naman saakin Ezekiel, wala namang problema."
Tumango siya.
"Pinag-aalala lang naman kasi kita.. alam ko ang pinagdaanan mo kaya baka hindi ka sanay makisalamuha.." aniya at tumigil sandali.
"At kilala ko si Kuya.." mahina niyang sabi at tiningnan ako. Ngumiti ako ng hilaw.
"I-lock mo ng husto ang pinto mo Kezay kapag natutulog ka dito." Sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Huwag ka din muna magsusuot ng mga sando o short short huh? Ayaw ko lang na mapahamak ka."
Ginulo niya ang aking buhok, napangiti ako kay Ezekiel.
"Salamat Ezekiel.."