Part 6

41 3 0
                                    

Kumakanta akong naliligo sa loob ng banyo, alas kwtro y medya ang uwi ni Ezekiel at ngayon plano namin na mamasyal paguwi niya. Alas tres y medya pa lang naman ng hapon kaya naligo na ako para pag'uwi niya didiretso na kami!
Sinasabon ko ang aking katawan ng makadinig ako ng malakas na katok.
Kunot-noo kong tiningnan ang relo, mag-aalas kwatro palang naman ah!
Kumatok ulit.
"Teka laaang!" Sigaw ko at mabilis nagbanlaw pero bumilis at tila naiirita na ang pagkatok. Naiinip na siguro si Ezekiel kaya mabilis kong kinuha ang tuwalya at ipinulupot sa aking katawan. Lumakas pa ang katok.
"Sandali lang Ezekiel!" Dali-dali akong lumabas ng banyo. Yung buhok ko tumutulo pa, nababasa ko tuloy yung sahig. Mabilis ang mga hakbang ko papuntang pintuan.
"Pasensya na Eze--"
Ang ngiting nakapaskil sa aking labi ay unti-unting naglaho nang makita kung sino ang taong nasa labas.
"S-sir Messiah.." napaatras ako nang humakbang siya papasok at napulonok. Kita ko ang paghagod ng mata niya sa aking kabuo'an at ngumisi.
"Di ko akalain na pinapakita mo pala ang katawan ko sa kapatid ko!" Aniyang nakangisi habang nakatitig sa aking dibdib kaya agad kong hinawakan ang tuwalya sa aking dibdib.
"H-hindi po sir.." nanginginig ang aking labi at ang lakas ng tibok ng aking puso.
"Ang swerte ng kapatid ko!"
Aniya bago isinara ang pinto sa kanyang likuran. Nanlaki ang aking mata at halos di ako makahinga, mabilis niyang hinila ang aking braso  dahilan para mabitawan ko ang tuwalyang nakabalot saakin at mabilis na naisandal sa likod ng pintuan. Sisigaw na sana ako nang mabilis niyang tinakpan ang aking bibig. Nanginginig ako habang nakatitig sa kanya.
"Pakita mo muna sa kuya" aniyang nakangisi bago bumaba ang labi sa aking leeg, ang isang kamay niya ay nasa aking bewang at pilit niya dinidikit ang aming katawan.
Nararamdaman ko na tila may matigas na bagay malapit sa aking puson.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon