Rinig ko ang pagdating ng sasakyan sa labas at nasisiguro ko na si Messiah na iyon. Lumabas ako ng kusina, ang lakas ng tibok ng aking puso dahil di ko alam paano ko sisimulan sa pagpapaintindi sa kanya at ang buntis ako pero alam kong matutuwa siya!
Kita ko ang pagpasok niya sa loob.
"Messiah.."
Bumaling ang mga nanlilisik sa galit niyang mga mata saakin. Malalaking hakbang papunta saakin at marahas niya akong hinawakan sa braso. Napa-aray ako sa sakit dahil may sugat pa ako doon at halos bumaon ang palad niya sa higpit.
"Paano mo nagawa iyon kay mama!!" Sigaw niya saaking mukha.
"Messiah nasasaktan ako!" Inaalis ko ang kamay niya sa aking braso pero mas lalo lang humigpit iyon.
"Alam mo bang dahil sa ginawa mo halos atakihin si mama?!!" Sigaw niya. Napaiyak na ako.
"Sinasaktan niya ako Messiah!" Napahikbi ako. Galit na galit ang mga mata niya
"Kahit na! Wala kang karapatang saktan ang aking ina!!"
Natahimik ako. Pero ang ina mo may karapatan na saktan ako?
"Halika! Humingi ka ng tawad kay mama! Kung gusto niyang lumuhod ka ede lumuhod ka! Sundin mo siya!"
Hinila niya ako palabas. Umiling ako.
"Ayoko!" Pilit ko tinatanggal ang kamay niyang mahigpit nakahawak saakin pero tuloy-tuloy pa din siya sa paghila saakin.
"Sabing Ayoko!!" Sigaw ko bago iwinaksi ang kamay niyang nakahawak saakin ng mahigpit. Kita kong natigilan siya.