Part 2

72 2 0
                                    

"Gusto ko lang makausap iyang naghahanap ng modelo para makita niya ang anak ko!! Iharap niyo siya!!" Sigaw ni nanay Belen. Naiiyak kong pilit siyang hinihila dahil dinuro-duro nya ang lalaki sa aming harap at kita kong galit na galit na ito.
"Nay tama na po.."
"Hoy!! Bakit kayo nanggugulo?!"
Napalingon ako sa guwardiyang papalapit saamin.
"Hindi kami nanggugulo! Ano ba bitawan niyo ako!" Si nanay habang hinawakan ng guwardiya ang mga braso.
"Nanggugulo kayo!"galit na galit ang guwardiyang hinihila si nanay papalabas sa bahay na iyon, ako naman ay tahimik lang na nakasunod.
"Wag na wag na kayong bumalik dito!" Sabi ng guwardiya bago kami pinagsarhan ng gate.
Sa inis ni Nanay ay sinipa niya ng maraming beses ang gate at pinagmumura.
"Nay.."
Galit na galit na bumaling ang kanyang mga mata saakin. Napapikit ako sa sakit nong hinila niya ng malakas ang aking buhok at halos matumba ako at sinampal ako ng dalawang beses.
"Alam mo bang binili ko yang damit kahapon para dito?! Pero nauwi lang sa wala! Palibhasa malas ka! Wala ka talagang silbi! Palamunin! Kagaya ka lang din ng nanay mong may sayad!" Aniya bago hinila ulit ang aking buhok at sinampal, hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya.
Nang makontento na siguro sa pananakit ay iniwan na niya ako.
Pinahid ko ang aking luha at inayos ang aking mahabang buhok pati na din ang bestidang halos gusto na ilantad ang aking katawan. Huminga ako ng malalim at naglakad na. Ayos lang yan, sanay naman ako na ganito lage. May mas malala pa dito pag-uwi ko kaya mas dapat akong maghanda.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon